Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, isinama sa It’s Showtime

HINDI napigilang maging emosyonal ni Kim Chiu nang ipakilala ng mga kasamahang host sa It’s Showtime bilang kasama nila sa pagbibigay-saya tuwing tanghali.

“Thank you na pinayagan niyo ako na tumuntong dito and makasama kayo. Masaya ako na araw-araw tayong tatawa kasama ang madlang people. Maraming salamat. Kapamilya Forever tayo,” sambit ng aktres na napanood na simula noong Lunes.

Maraming fans ang natuwa kaya naman trending trending topic sa Twitter Philippines ang unang paglabas niya sa It’s Showtime na ang hashtag ay #ShowtimeCHINITAnghali.

Isang opening song and dance number ang inihanda ni Kim para sa madlang people at inilunsad din ang bagong segment na Name It To Win It kasama ang hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Amy Perez, Ryan Bang, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz.

Napapanood ang It’s Showtime tuwing tanghali mula Lunes hanggang Sabado sa Jeepney TV at sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat channel 2, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association (PCTA) sa buong bansa).

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …