“CLOSE ba sila sa akin? How should they know what I feel?” Ito ang tila natatawang may giit na reaksiyon ni Julia Barretto nang matanong namin ukol sa mga naglalabasang komento ng kawalan niya ng utang na loob sa pag-iwan sa Star Magic at paglipat ng pangangalaga sa Viva.
“Hindi matatanggal sa akin ang gratefulness and my gratitude sa Star Magic,” giit ng aktres sa Virtual conference kahapon.
Labing-apat na taong inalagaan si Julia ng Star Magic kaya may mga netizen na nagkomento ukol sa utang na loob nang lumipat ito sa pangangalaga ng Viva Artist Agency (VAA).
Pahayag ni Julia, ”mula nine years old sila na ang naging pamilya ko. But you know what I love about by being with Star Magic and being handled by Mr. M (Johnny Manahan) and Ms. Mariole (Alberto), because there was never once that ever stop you by making a decision that you think maybe good for yourself. They are very supportive, very maalaga. They will instill values na madadala mo hanggang sa pagtanda mo.
“Malaki ang utang na loob ko sa kanila hindi dahil sa nag-change ako ng management ibig sabihin hindi na ako grateful. That’s a misconception. People should also change, ‘di ba.”
Iginiit pa ni Julia na, ”That’s not true, malaki po ang utang na loob ko sa kanila. They will be my family up until hanggang sa huli-huli. At forever akong grateful kina Mr. M and Ms. Mariole because hanggang ngayong araw, hanggang kaninang umaga, nakausap ko sila, si Ms. Mariole and they’re very supportive and they always backed me up kahit anong desisyon ‘yan. They will always be where they think ikabubuti mo, ikabubuti ng karera mo. And naiintindihan nila eh, naiintindihan nila ang naging desisyon ko kasi magiging iba na rin ang magiging pakiramdam sa akin lalo na at wala na sila sa Star Magic.
“So siyempre for me, Star Magic is what it is today because of the two of them. We’re supportive and very understanding of me trying to make a decision for myself especially na they are both moving forward na also.”
Sinabi pa ng aktres na punumpuno siya ng gratitude sa Star Magic dahil sinuportahan nito ang mga pangarap niya.
“They give me beautiful stories to tell, they made me work with a lot of people that they also look up to. I’m just grateful. And ang dami kong friends na naging family ko na rin sa ABS, staff, productions, my Star Magic family, my road managers, my handlers, talagang lahat naging pamilya ko na. And lahat naman hanggang ngayon nakakausap ko pa, nakakakumustahan. Solid ang relationship ng ABS, so I’m just so proud with my journey with them.”
Samantala, ayaw pang banggitin ni Julia kung ilang taon ang kontrata o projects niya sa Viva. ”Surprise na lang, pero marami akong naka-line-up na gagawin with them.”
At dahil nasa Viva na si Julia, itutuloy pa rin ng Viva kung anong career path ang sinimulan sa kanya ng Star Magic. Ibig sabihin, more movies, more TV shows, online shows, at new exciting projects.
Sa kung sino naman ang gustong makatrabaho ni Julia sa Viva, sinabi nitong dedepende sa istorya o pelikulang gagawin niya. ”Hindi naman po ako maarte sa makakasama ko sa trabaho. Ang pinaka-importante po sa akin ay ang story, makakatrabahong director, writers, mga producers natin. Diyan ako mas nakatutok.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio