Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

AlDub fans ipinoprotesta si DJ Loonyo sa Eat Bulaga

DLUBYO at Same Step ang name calling ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza kay DJ Loonyo.

Trending ngayon sa Twitter ang pagpoprotesta ng AlDub fans dahil ayaw nilang napanonood sa Eat Bulaga! ang dancer at social media influencer na agaw-pansin sa panahon ng coronavirus pandemic.

Hurting daw ang AlDub fans dahil matagal nang in absentia si Alden sa Eat Bulaga, pero hayan at may DJ Loonyo na two days nang napanonood sa “Bawal Judgmental” segment ng Kapuso noontime show.

Nag-start last Monday ang “Bawal Judgmental” stint ni DJ Loonyo. Mga dancer noong dekada ‘80 ang choices na pinahulaan sa celebrity judge na si Pauline Mendoza.

Sa pangalawang pagkakataon, muling napanood sa Eat Bulaga! the other day, September 29, ang popular male dancer for him to show his, by now, famous dance moves.

Mukhang bilib na bilib si Vic Sotto sa mahusay na pagsasayaw ni DJ Loonyo.

But then, hindi ito aprobado sa mga tagahanga nina Alden at Maine na tutol magkaroon ng bagong mukha sa Eat Bulaga.

Si DJ Loonyo ang napagbalingan ng AlDub supporters dahil sa agaw-eksenang exposure niya sa “Bawal Judgmental” at “Pamilya Nunal” segments na dating featured si Alden.

Ang ibalik ang tandem ng AlDub sa Eat Bulaga! ang panawagan ng loyal supporters nina Alden at Maine.

Hindi na raw kinakailangang magdagdag ng bagong talent dahil happy na sila sa grupo nina Maine, Alden, Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

“Cost cutting” nga raw but then, kumukuha ng ibang guest at unti-unting nagiging paningit na lamang daw sina Pia Guanio at Ryan Agoncillo, ang mabigat na paratang ng AlDub fans sa management ng Eat Bulaga!

Pero ayon sa isang insider, walang cost cutting na nangyayari dahil limitado lamang sa tatlo ang mga host sa Cainta studio ng noontime program ng TAPE Inc. bilang pag-iingat laban sa coronavirus.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …