Sunday , January 12 2025

Miggs Cuaderno, lagari sa Wish Ko Lang ngayong October

NGAYONG October ay lalagari ang Kapuso teen actor na si Miggs Cuaderno sa Wish Ko Lang. Hindi pa niya alam ang eksaktong dates ng airing ng episodes niya, pero tiniyak ng award-winning young actor na hindi ito dapat palagpasin.

Bale dalawang beses mapapanood si Miggs sa naturang show ng GMA-7 sa pagpasok ng bagong buwan.

Saad ni Miggs, “Kaabang-abang po ang dalawang episodes na ito na guest ako. Iyong una, nakalulungkot po ang story nito, ito po iyong tungkol sa nanalo sa lotto ng P25 million.

“Kasama ko po rito sina Katrina Halili na nanay ko po rito at ang tatay ko naman ay si Dominic Roco.”

Dagdag niya, “Iyong isa ko naman pong guesting sa Wish Ko Lang, ang makakasama ko po ay si Barbara Miguel, kapatid ko po siya sa istorya. Bale, ngayon lang po kami ulit nagsama mula pa noong Munting Heredera.

“Makakasama rin po namin dito sina Neil Sese at Angelika dela Cruz, sila po ang gaganap na tatay at nanay namin.

“Ang story naman po nito, isang pamilyang taga-Palawan na nakain ng buwaya ang anak. Pareho po iyang lalabas this October, sana po mapanood n’yo po.”

Aminado rin si Miggs na memorable sa kanya ang episode na ito ng Wish Ko Lang dahil first time niyang humiga sa kabaong. Takot daw kasi si Miggs sa ganitong eksena noong bata-bata pa siya.

“First time ko pong humiga ng kabaong, dati kasi takot po ako at pinadadaya ko po sa mga director ko sa Magpakailanman ang paghiga ko sa kabaong. Pero ngayon pong malaki na ako, kaya ko na pong humiga sa kabaong.”

Pahabol niya, “Itong dalawang episodes po ay pampamilya talaga, makikita po rito ang pagmamahal sa magulang… nakaiiyak po kaya dapat po nilang abangan ito.”

Pang-ilang guesting na niya ito sa Wish Ko Lang? “Pang-tatlo po, kaya masaya po ako na kahit may pandemic ay nakalalabas pa rin ako, may work pa rin po kahit paano.”

Ipinahayag din ni Miggs na nag-enjoy siyang katrabaho sina Katrina at iba pa.

“Enjoy po akong katrabaho sila, like, madalas po kaming nagsasama ni ate Katrina lalo na noong buhay pa si direk Maryo (J. delos Reyes).

“Nakakasama ko po siya sa mga events ni direk, pati sa Bohol po magkasama kami ni ate Kat. Masaya pong kasama si Ate Kat at madalas siyang mag-joke.”

Aniya, “Enjoy po akong makasama sila kasi mga kababata ko po sila Barbara Miguel at yung isang nakasama ko sa unang episode na si Mycko, kasama ko siya sa Cinemalaya film po na Ang Guro Kong Hindi Marunong Magbasa.

“Mga mahuhusay po mga nakaka-work ko sa Wish ko Lang like Tina Paner po, naging magnanay na rin kami sa Kambal Karibal.”

Si Direk Rommel Penesa ang namahala sa Buwaya episode, samantalang sa Malas-Suwerte episode ay si Direk Rember Gelera.

Hosted by Vicky Morales, napapanood ang Wish ko Lang, every Saturday, sa ganap na ika-apat ng hapon sa GMA-7.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *