Monday , December 23 2024
arrest prison

Lider ng sindikato na pumatay sa retiradong pulis at kagawad nadakip

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang lider ng Serabia Criminal Gang na  responsable sa pagpatay sa isang retiradong pulis at isang kagawad ng lungsod, sa pinagtataguan nito sa loob ng pitong taon sa lalawigan ng Agusan Del Sur.

 

Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Ronnie  Montejo ang nadakip na si Marlon Serabia, 44 anyos, residente sa Barangay Sta Cruz, Agusan Del Sur.

 

Ayon kay Fairview Police Station 5 commander P/Lt. Melchor Rosales, sa tulong ng Rosario (Agusan del Sur) Municipal Police Station, si Serabia ay dinakip dahil sa pagpaslang kina retired SPO1 Jerson Leonardo noong 2013 at kay Barangay Kagawad Jerzon Dazo, ng Barangay Greater Fairview noong 2017.

 

Dinakip si Serabia sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nina QC Regional Trial Court (RTC) Hon. Judge Evangeline Crisologo Castillo-Marigomen, at QCRTC, Branch 101, Hon. Maria Luisa Lesle Gonzales-Betic.

 

Sinabi ni Montejo, ang naarestong pinuno ng Serabia Criminal Gang na nag-o-operate sa Quezon City ay sangkot sa gun for hire, illegal drugs at ilang kaso ng extortion. (ALMAR DANGUILAN)

 

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *