Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kawit DEU chief, 5 pulis sinibak

SINIBAK sa puwesto ni Police Regional Office 4A Regional Director P/BGen. Vicente Danao, Jr., ang hepe at limang miyembro ng Kawit Municipal Station – Drug Enforcement Unit matapos mag-viral sa video ang sinabing ilegal na paghuli sa isang babae noong nakaraang linggo sa Barangay Tabon 2, Kawit, Cavite.

Base sa ulat na nakarating kay P/BGen. Danao, inaresto ng grupo ni Kawit Municipal Police Station Chief P/Major Gabriel Unay ang isang babae noong 25 Setyembre 2020, ngunit nakunan sa CCTV ng isang Apple Grace ang pag-aresto.

Nakunan ng CCTV ang pagpasok ng grupo ni Unay sa bahay ng isang Dana Jamon at sapilitang kinaladkad sa buhok sa harap ng kanyang mga anak.

“Such act is unacceptable,” ayon kay Danao at sinabing hindi niya kokonsintihin ang aksiyon ng kanyang pulis na isang paglabag sa police operational procedure.

Dahil dito, ipinag-utos ng opisyal na isailalim si Unay sa command responsibility at ang apat niyang tauhan sa preventive suspension para hindi makaimpluwensiya sa isinasagawang imbestigasyon sa nasabing insidente.

“HIndi ako papayag sa maling gawain ng mga miyembro ng pulisya. I have been very strict with my program on LITIS, or ‘Litisin Tiwalag at Iskalawag na Pulis,’” ayon kay Danao, kasunod nito, tiniyak ng opisyal ang patas na imbestigasyon sa kaso.

Bukod kay Unay, isinailalim din sa preventive suspension sina P/SSgt. J. Rapiz, P/SSgt. J. Pagaran, P/SSgt. Payuran, P/Cpl. Cambarihan, P/Cpl. Pedimonte.

Napag-alaman, kasalukuyang nasa restricted custody ni Cavite Provincial Police Office Director P/Col. Marlon Santos ang mga pulis, base sa utos ni Gen Danao.

(BRIAN BILASANO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …