Saturday , November 23 2024
Kakai Bautista
Kakai Bautista

Kakai, na-praning nang magka-Covid – Dumating ako sa point na ayaw ko na matulog kasi baka hindi na ako gumising

KUNG nakabalik na sa trabaho ngayon si Carmi, ang isang talagang tinamaan ng CoVid-19 ay ang komedyanteng si Kakai Bautista.

 

Ibinahagi ni Kakai sa mga host ng #ChikaBesh na sina Ria AtaydePauleen Luna, at Pokwang ang naging pakikipagbuno niya sa nasabing virus.

 

Lukang-luka nga ang manager niyang si Freddie Bautista nang ibalita niya ang tawag sa kanya na positibo siya sa CoVid-19.

 

Ayaw nitong maniwala dahil alam niya kung gaano kaingat si Kakai sa panahong ito.

 

“Kulang na nga lang na magsuot ako ng pang-astronaut na damit. Pero talagang isa lang ang hindi maging maingat at walang disiplina, tatamaan ka.”

 

Mag-isa nga lang sa bahay si Kakai. Lahat, siya ang gumagawa. Kaya ihinanda rin muna niya ang pagsasabi nito sa kanyang pamilya.

 

At ang dasal niya sa Panginoon ay mala-komedya pa rin niyang ipinararating dito. Na huwag muna siyang tigukin at mababawasan ng maganda sa balat ng lupa.

 

But deep inside her, nalulungkot na talaga siya at sa isip niya na siya nagwo-walling.

 

“Dumating ako sa point na ayaw ko na matulog kasi baka hindi na ako gumising. Thankful ako na hindi severe ang symptoms. Hindi naman nawala ang sense of taste and smell ko. I-spray ako ng pabango at sinisinghot-singhot ko. Pati ang hininga ko. Hindi pa talaga ako pwede mamatay Lord. Mababawasan ang magaganda. 

 

“Eh, ‘yun nga. Nag-sorry ‘yung tumawag kasi hindi na ako makakasama sa event. Naisip ko agad ang pamilya ko. Sabi ko lang sa sarili ko ‘Kumalma ka.’ Inisip ko na lang masamang damo ako kaya hindi pa ako mamamatay. Dasal lang ako. Kaya ang first and 2nd day ko grabe.

 

“Ngayong okay na ako, binawasan ko pagka-praning ko. Kung noon, dala-dalawa lock ko sa pintuan ko, isa na lang. Para madali mabuksan kung kailangan nila akong katukin. Prepared talaga ako. Lalo na kung may lindol. May katabi na akong bag niyan na may mga gamit na para isang bitbitan na. Pati ‘yung hagdan namin minemorya ko na kung paano ako bababa ng pagapang. Ay, huwag ka riyan hahawak dito ka sa kabila.

 

“Pwede mong labanan ang utak mo. Kaya, hindi ka dapat magpatalo. Kaya lesson learned. Dahil lang sa isang hindi nag-ingat, eto. Kailangan din ang positive mindset. Sabi nga, sa sobrang ingat ko, ‘sangkaterba ang supplements na tine-take ko. Amoy ospital na nga ang (j)ihi ko. Nasusuka na ako.”

 

Nakai-inspire rin ang mga kuwento ni Kakai sa naging ordeal niya with the virus. Pero may mga ibinabahagi rin siyang katatawanan sa iba pa niyang mga pinagdaanan sa buhay in her book na La Na, Bye.

 

Sigurado magpa-part two ang libro niya sa mas marami na namang nadagdag na karanasan niya sa pakikipagbuno sa kalabang hindi nakikita.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *