Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP Prison

Preso nakatakas, pulis palit hoyo

KALABOSO ang isang pulis nang makatakas ang isang ‘inmate’ ng Manila Police District-Station 11 dahil kailangang dalhin sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Isinailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office ang miyembro ng MPD-Station 11 na si P/SSgt. Warren Castillo, 44, sa paglabag sa Article 223 ng Revised Penal Code (Conniving with or Consenting to Evasion) sa reklamong inihain ni P/Lt. Conrado Punzalan, Jr.

Sa rekord ng MPD General Assignment and Investigation Section (GAIS), nitong 24 Setyembre dakong 4:32 am, kinuha ni Castillo sa jail facility ng estasyon ang person under police custody (PUPC)  na si Dexter Barrera, nakulong noong 13 Hunyo 2020 sa kasong Abduction in relation to RA 7610 (Child Abuse).

Sa oras na iyon patapos na ang duty ni P/Cpl. David bilang night shift jailer, habang si Castillo naman panghapon pa ang duty.

Ikinatuwiran ni Castillo na kailangan niyang dalhin at eskortan si Barrera papunta sa NCRPO at ibabalik din kinahapunan.

Nang tawagan si Castillo sinabi niyang nakatakas ang inmate.

Biyernes ng hapon nang arestohin si Castillo dahil sa kabiguan na maibalik ang preso.

Nabatid na may mahigit 200 preso ang Meisic Police Station.

Napag-alaman, nangako umano ang nakatakas na inmate ng halagang P300,000 sa pulis kapalit ng pagtakas.

Sa kasalukuyan, nakapiit sa MPD-GAIS si Castillo sa akusasyon na nakipagsabwatan para patakasin si Barrera dahil wala namang opisyal na order para dalhin si Gonzales sa Camp Bagong Diwa, Bicutan noong 24 Setyembre 2020.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Konektadong Pinoy Bill Act

Digital connectivity master plan mahalaga sa direksiyon ng Konektadong Pinoy Act — Cayetano

MAHALAGANG hakbang ang pag-aproba sa nationwide digital connectivity master plan upang magkaroon ng malinaw na …

Arrest Posas Handcuff

Sa Parañaque City
Japanese national sinaktan, hinoldap; suspek arestado sa loob ng 24 oras

NAHULI na ang suspek sa nag-viral na video ng panghoholdap at pananakit sa 62-anyos Japanese …

Las Piñas Cebu Sinulog April Aguilar

Stranded na Sinulog participants sa Cebu nakabalik nang ligtas at maayos sa Las Piñas

NAKABALIK na sa kani-kanilang tahanan ang mga kabataang Las Piñeros na na-stranded sa Cebu matapos …

DPWH

DPWH dapat preparado vs maangas na kontratista

KASUNOD  ng mga repormang ipinatupad para sa badyet ngayong taon, sinabihan ni Senate President Pro …

Senate FDA

Makupad magpakulong ng mga vendor at suppliers
FDA KINASTIGO SA SENADO 
Peke, ‘di rehistradong gamot, supplements kalat na kalat

KINASTIGO ng senado ang Food and Drugs Administration (FDA) dahil sa kabagalan nitong sumampol o …