Ito ang first television project ng AsterisK Artist Management na pinamumunuan ni Kristian G. Kabigting.
Ang My Extraordinary ay ukol sa tender story hinggil sa innocence, sa pagkakaibigan, ukol sa awakening desire, acceptance at kung paano pinaghihilom ng panahon ang lahat ng sugat. Makikita rito ang makulay na kasaysayan ng dalawang college students na sina Shake (Darwin) & Ken (Enzo), at kung paano nila sinubukang ipahayag ang mga sarili sa kabila ng maraming mga inaasahan sa kanila ng lipunan.
Ang eight-episode series na ito ay mula sa pamamahala ni Direk Jolo Atienza, isinulat ni Vincent De Jesus, at prodyus ng AsterisK Digital Entertainment.
Sambit ni Philip ukol sa kanyang role sa kanilang serye, “My biggest project right now is My Extraordinary. I portray Kevin Olvidar sa My Extraordinary, a college student ng Springfield University.”
Paano niya pinaghandaan ang papel dito?
Tugon ng newbie actor. “I prepared for my role by brainstorming my college friends’ characteristics, attitudes, perspectives in life, and paano sila mag-deal with other people.”
Paano niya ide-describe ang serye nilang ito na mapapanood every Sunday, simula sa September 27?
“Isa po siyang BL series. Ang My Extraordinary ay isang series na puno ng aral na umiikot sa kaibigan, karelasyon, at pamilya. Mapapanood ang pilot episode ng My Extraordinary sa September 27, 2020, 11 PM sa TV 5, at 11:30 sa Asterisk Youtube Channel, at Film City.”
Si Philip ay isang 18 year old na tubong Mandaluyong City at nagtapos ng senior high school sa Our Lady of Fatima University-Antipolo. Unang sabak niya sa showbiz ay via Artistahin segment ng Eat Bulaga na naging semi-finalist siya.
Mula rito, nagsimula na siyang makalabas sa ibang show. “After niyon, I started to join tapings, kahit extra lang… para makakuha ako ng experience habang nag-i-start sa industry. Then, I was introduced kay Sir Kristian and sa Asterisk Management and sila ang nagha-handle sa akin up to this day,” esplika pa ni Philip.
Ano-ano na ang mga project na nagawa niya? “Aside sa Eat Bulaga, I’m also involved on an SM digital ad. I experienced being a background talent on a shampoo commecial a year ago.”
May daring or intimate scene ba siya sa My Extraordinary? “Wala akong daring scenes or intimate scenes sa My Extraordinary,” pakli ng tisoy na aktor.
Kung bigyan ng daring role, game ba siya?
Sambit ni Philip, “Ang management na lang po ang magdedesisyon para sa akin, dahil sila naman ang nakaaalam kung anong makabubuti para sa aking career.”
Ipinahayag din ni Philip na nag-enjoy siya sa taping sa My extraordinary.
“Sobrang nag-enjoy po, sobrang ganda po kasi kasama ng mga tao sa set,” matipid na wika niya.
Ano ang napi-feel niya na malapit nang mag-start mapanood ang My extraordinary?
“Sobrang nae-excite po and sobrang saya, dahil mapapanood na rin po namin ang isang series na binuo ng pagmamahal at pagpupursige,” aniya pa.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio