KAMAKAILAN nagpahayag ng kanyang sentimyento si Lipa City Emeritus Bishop Arguelles na ang mga pag-anunsiyo umano ng gobyernong Duterte sa pagsusuot ng face masks at face shields ay kagagawan ng isang demonyo dahil mahal tayo ng Diyos, kabilang na ang social distancing. Hindi man tinukoy ni Bishop Arguelles kung sino ‘yung demonyo, e sino pa? Kung hindi ang administrasyong Duterte!
Malaki ang respeto ko sa mga Kura Paroko ng simbahang Katoliko, bilang isang miyembro ng relihiyong ito. Sa ganang akin isa itong kasalanan, dahil nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.
Tayo, tayong mga tao ang dapat mag-ingat upang ang pandemyang dulot ng CoVid-19 ay maiwasan. Mahal tayo ng Diyos ang mga taong kumikilala sa kanya, ang demonyong sinasabi ni Bishop Arguelles ay coronavirus hindi ang mga taong gobyerno na kumikilos para hindi maapektohan ng demonyong coronavirus.
Paano makatitiyak na kung siksikan ang mga magsisimba sa loob ng simbahan, na ang mga humahawak sa mga Santong rebulto ay dapat ligtas sa CoVid-19 gayong hindi naman bulag itong si Bishop Arguelles na ilang doktor at health workers na ang namatay, nahawa o na-contaminate ng CoVid-19.
Kamakailan, isang Pari sa Davao del Sur ang naging biktima ng CoVid-19 na naging sanhi ng maagang kamatayan. Mahal ng Diyos ang nasabing pari pero hindi pinaligtas ng CoVid-19.
Nang marinig ng inyong lingkod sa national television ang pahayag ni Bishop Arguelles, bilang Katoliko, maging ilang Katoliko ay nadesmaya sa tinuran ng bishop. Tanong ng lahat, nasa matino pa bang pag-iisip si Bishop Arguelles?
Ngayong malakas na ang aking paniniwala pari man makasalanan din, dahil tulad ko isa lang siyang tao na nagkakasala kahit siya ay isang taong simbahan.
Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata