AMINADO si Arci Munoz na hindi pa siya handang magtrabaho sana hangga’t may Covid-19 pandemic. Pero nang mabasa niya ang script ng Walang Hanggang Paalam, nawala ang agam-agam o takot niya.
“Honestly at first I was a bit hesitant to do it because of course we are in the middle of the pandemic nga and I stay with my mom and my mom is a senior citizen,” paliwanag ni Arci na gaganap na isang special agent sa Walang Hanggang Paalam handog ng Dreamscape Entertainment.
“Parang after they pitched it to me, sabi ko ang ganda niyong story for me to pass.
“Ang ganda-ganda ng role and I’ve been wanting to do an action series, drama, or movie so ang bilis, pagka-pitch na pagka-pitch sa akin, sabi ko parang nawala lahat ng hesitations and I was like, ‘Yeah, I’m game.’
“Parang after a month na pinitch sa akin, nag-start na kami mag-shoot. So, I really didn’t have that much time to prepare but I was just really thankful,” saad pa ni Arci sa virtual digicon ng WHP.
Nakawala pa sa alalahanin ng dalaga ang mahigpit na pagsunod ng ABS-CBN sa ipinatutupad na health protocols sa taping nila. Naka-lock-in sila sa Zambales.
“Sa malayong lugar kami, first time ko mag-lock in ng ganoon katagal. Siyempre mas iniisip ko ‘yung mga tao at home. Wala ako, malayo ako sa family ko. And I’m here na maraming tao, ang daming uncertainties, and yet ipinaramdam nila sa amin na safe kami.
“Pagdating namin doon, we had regular na mga PCR tests just to make sure that everyone is safe. Mostly nag-worry ako sa family ko at home.
“Pero kasama ko kasi itong mga artistang ito, staff and everybody, they’re all cool kaya hindi ako nahirapan. Walang praning moments naman,” kuwento pa ni Arci.
Kaya naman nagpapasalamat din ang aktres sa Dreamscape dahil isinama siya sa proyektong ito. ”This is a blessing. Sino ba naman ako to say no and right when I got there, hindi ko naramdaman honestly na we are going through something though we are following very strict protocols.
“Pero still, this is a blessing and I’m really grateful. I’m very thankful ako sa ABS-CBN because ang suwerte namin sa mga bosses namin na talagang iniingatan talaga kami.
“Hindi lang kami na mga artista, lahat ng tao sa production. Sobrang blessed kami na meron kaming ganitong mga bosses kasi hindi naman nila ipagsasawalang-bahala yung safety. Safety first,” giit pa niya.
Bukod kay Arci, pinagbibidahan din ang Walang Hanggang Paalam nina Angelica Panganiban, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, at Jake Cuenca. Kasama rin sina JC Santos, Tonton Gutierrez, Lotlot de Leon, Ronnie Lazaro, McCoy de Leon, Mary Joy Apostol, Sherry Lara, Victor Silayan, Javi Benitez, at Cherry Pie Picache.
Idinirehe ito nina Emmanuel Palo at Darnel Villaflor na mapapanood na simula ngayong 9:20 p.m. sa cable at satellite TV via Kapamilya Channel (SKYchannel 8 on SD and channel 167 on HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, and most cable operator- members under Philippine Cable and Telecommunications Association).
Pwede rin itong mapanood sa Kapamilya Online Live livestreaming daily sa ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel at Facebook page, iWantTFC app (iOs and Android) and on iwanttfc.com at Filipino Channel.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio