GAYA ng ibang kontrobersiya sa local entertainment industry, nag-subside na raw ang ingay na nilikha ng rebelasyon ni BB Gandanghari sa supposed past nina Rustom Padilla at Piolo Pascual which started in San Francisco, California, wayback sometime in April 2011.
Predictably so, mas pinili ni Piolo Pascual ang manahimik at huwag patulan at i-ignore ang mga pronouncements ni BB.
This is no longer new since in the not-so-distant past, ini-ignore rin ni Piolo ang tell-all book ni Mark Bautista last February 2018, ang Beyond The Mark.
Tinawag ni Mark na “bromance” ang closeness nila ng “guy friend” na hindi niya direktang pinangalanan.
Mark disclosed that in two occasions, bumigay raw sila sa temptasyon at naging “intimate” sila. After that, nangako raw silang hindi na iyon mauulit.
The following day, nalaman raw ito ng girlfiend ng friend ni Mark, which resulted in a “huge drama” among the three of them.
Sa kanyang mga interview, Mark refused to admit that it was Piolo who was his special “guy friend” in his book.
Hindi malinaw kung ang pananahimik ang talagang gusto ng leading man o siyang gusto ng namamahala sa kanyang career, ang Star Magic.
Anyway, in a latest interview with Boy Abunda, the veteran TV host said that the juicy revelations of BB would not be able to affect Piolo.
“Because he’s a mystical Adonis, the most gorgeous man in this country.
“I also don’t subscribe to the idea na masisira ‘yung career ni Piolo. Walang nakasira kay Piolo. Wala.”
Kilalang-kilala raw ni Boy si Piolo and he believes that the actor would never comment about BB’s pronouncements.
But on the other hand, malinaw na suportado ni Boy ang pagsisiwalat ni BB sa nakaraan nina Piolo at Rustom. Aniya, “Technically, she’s telling the story.”
Piolo’s fortunate that he doesn’t have to lift a finger to be able to defend himself.
His friends in the industry like Ai-Ai delas Alas, are the ones defending him.
He is fortunate for some people who are not his personal friends are going out of their way to support and fight for him.
Hindi tanggap ng bashers ang POV ni BB na ikinukuwento lang daw niya ang journey ni Rustom sa pagpalaot nito sa katauhan ni BB.
Hindi sa pangunguna kay Piolo, pero nakasisiguro kaming lalong madaragdagan ang respeto at pagmamahal sa kanya kung matututo siyang magpasalamat sa mga taong nagtanggol sa kaniya nang walang hinihinging anumang kapalit.
Mababaw lang ang kaligayahan ng mga nagtanggol at patuloy na nagtatanggol kay Piolo, kaya malaking bagay sa kanila kung makaririnig sila ng isang simpleng pasasalamat mula sa aktor na binigyan nila ng unconditional support and love.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.