Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zia Dantes, kinilig sa video greet ni Sarah G.

KAHIT isa siya sa mga pinakakilala na anak ng mga artista, hindi pala alam ni Zia Dantes na sikat siya.

Ayon sa ina ni Zia na si Marian Rivera, kabaligtaran pa nga, dahil minsan pa nga, si Zia ay isang… fan!

Paborito ni Zia ang kantang Tala ni Sarah Geronimo.

“Sobrang gustong-gusto niya [Zia] ang ‘Tala,’” bulalas ni Marian.

Nagkataon naman na ang ama ni Zia na si Dingdong Dantes ay may business partner, si Ranvel Rufino na matalik na kaibigan nina Sarah at mister nitong si Matteo Guidicelli.

“Eh, itong si Dong, si Ranvel kasi, very, very close iyan kina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

“Eh, very close iyan sa amin dahil sa Dingdong.ph. Mayroon silang business ni Dong.

“So, pumupunta iyan sa bahay minsan, nagmi-meeting.

 

“Hanggang one time, sinend ni Dong kay Ranvel na nagta-‘Tala’ si Zia.”

Sa naturang video ay sumasayaw si Zia sa tugtog ng Tala.

“Ngayon, siguro, sinabi ni Ranvel kay Sarah. Nag-video ngayon itong Sarah.”

 

Nagulat at natuwa si Zia nang ipapanood dito ang video greeting sa kanya ni Sarah.

“Ang sabi ni Sarah, ‘Hi Zia, ang galing mong mag-‘Tala!’

“Kilig na kilig ang anak ko. Sabi niya, ‘Why Sarah know me? Why she knew my Tala?’”

Patuloy pang kuwento ni Marian., “Hindi siya ano—minsan si Rocco Nacino nagpupunta rito. Makikita niya sa TV. ‘Mama, that’s Rocco, right?’ Naa-amaze siya na nasa TV daw.

“So si Zia, very innocent pa rin.”

Si Rocco ay co-star ni Dingdong sa Descendants of the Sun.

Alam naman ni Zia na celebrity ang mga magulang niya, at kahit alam ni Zia na may mga nagawa siyang TV commercials, walang kaalam-alam ang bagets na celebrity din siya, bagkus nga ay napakamahiyain pa nito kapag may ibang tao.

“Oo, pero parang deadma siya. At iyon nga ang nakita namin, parang nahihiya na siya. Hindi na katulad ng dati kapag nakikita niya iyong commercial niya…

“Eh dati iyon, ‘That’s me, that’s me!’

 

“Ngayon, nahihiya na siya. Siguro, iyong age niya kasi, magpa-5 years old na kasi. Baka ganoon talaga ang mga bagets, nako-conscious na,” ang kuwento pa ng Primetime Queen ng GMA.

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …