Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Term-sharing deal, OK lang ‘di matupad  

KAHIT may term-sharing deal sina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Load Alan Velasco  ay numbers game pa rin ang mananaig sa pagpili ng pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

Paniniwala ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit naging testigo pa siya sa gentleman’s agreement na term-sharing nina Cayetano at Velasco noong nakalipas na tao.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kahit umaasa si Pangulong Duterte na matutupad ang term-sharing deal nina Cayetano at Velasco, ipinauubaya niya sa mga kongresista ang pagpapasya sa pagpili ng Speaker.

 

“So the President is hoping that the Speaker and Congressman Velasco will honor their agreement but ultimately the decision will be the decision of the individual congressmen. Ang sabi po niya, to quote talaga is: “Kung walang numero si Lord Allan, wala siyang magagawa,” sabi ni Roque sa virtual Palace press briefing kanina.

 

Matatandaan noong 8 Hulyo 2019, inianunsiyo mismo ni Pangulong Duterte na batay sa nabuong gentleman’s agreement ay magkakaroon ng term sharing sina Cayetano at Velasco para sa House speakership.

 

Magsisilbi si Cayetano bilang Speaker sa unang 15 buwan o hanggang sa susunod na buwan habang si Velasco ay sa matitirang mga buwan hanggang matapos ang kanilang termino sa 2022.

 

Ngunit halos isang buwan bago matapos sana ang termino ni Cayetano, kumalat ang text message ni presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte na nakaamba ang kudeta laban kay Cayetano kung hindi gagawing patas ang pamamahagi ng pondo para sa mga distrito ng kongresista. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …