Saturday , November 16 2024

SUCs Iskolar ng Bayan para lang sa Pinoy

IPINATITIGIL ni Senadora Imee Marcos ang komersiyalisasyon sa state colleges and universities (SUCs) na pinapayagan ang foreign students na tamasahin ang parehong benepisyong nakalaan dapat para sa mga Pinoy na ‘iskolar ng bayan.’

 

Ayon kay Marcos, bunsod ng enrollment quota ay napupunta lang sa mga dayuhang mag-aaral ang dapat sana ay libreng edukasyon sa kolehiyo ng mga pamantasan na laan sa mga Filipino, partikular sa napakagastos na kursong medisina.

 

“Unahin natin ang kapwa natin Filipino. Gamitin natin ang ating buwis para sa mga Filipinong gustong maging doktor, lalo sa ganitong mga panahong may pandemya,” ani Marcos.

 

“Mababalewala ang pagsisikap nating madagdagan ang mga doktor ng bayan at malulustay lang sa mga dayuhan,” dagdag ni Marcos, na ibinida ang panukalang batas ng Senado na magpapalawak sa medical scholarship, o ang “Doktor Para Sa Bayan” bill.

 

Sa pagdinig ng Senate Finance Committee noong Lunes para sa 2021 budget, nanawagan si Marcos sa Commission on Higher Education (CHEd) na magsumite ng listahan ng foreign students sa SUCs sa nakalipas na limang taon.

 

Humihingi ang CHEd ng karagdagang P4.6 bilyon pondo para madagdagan ang mga iskolar ng gobyerno na mag-aaral ng kursong medisina sa 5,368 kada taon.

 

Aminado si CHEd Chief Prospero De Vera, nakatali ang kanilang kamay na limitahan ang bilang ng foreign students sa SUCs dahil karapatan ng Board of Regents ng bawat kolehiyo at unibersidad na desisyonan ang pagtanggap sa kanila.

 

Sa tala ng Bureau of Immigration (BI) ay nasa 26,000 ang foreign students sa bansa ngunit ‘di tinukoy kung ilan ang kasalukuyang nag-aaral ng medisina sa walong SUCs kabilang ang Mariano Marcos State University, University of Northern Philippines, Cagayan State University, Bicol University, West Visayas State University, University of the Philippines – School of Health Sciences, University of the Philippines – Manila, at Mindanao State University – Marawi.

 

Mayroon pang tatlong SUCs ang kasalukuyang ipinoproseso ang aplikasyon para magbukas ng kursong medisina – Cebu Normal University, Western Mindanao State Univerity sa Zamboanga City, at University of Southeastern Philippines sa Davao City.

 

Hiniling ni Marcos sa CHEd, SUCs, at Bureau of Immigration na agad repasohin ang kanilang mga panuntunan patungkol sa foreign students para masigurong mabibigyang prayoridad ang mga mag-aaral na Filipino.

 

Hiningi rin ni Marcos ang kooperasyon ng medical student organization na maging alerto at isumbong sa gobyerno kung may SUCs na pinapaboran ang mga banyagang mag-aaral. (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *