Wednesday , December 25 2024

OAGOT, umaalagwa sa ere

SA panahon ng pandemya na ang tangi mong nakakatalamitam eh, ang mga bagay sa online, makakatisod ka paminsan-minsan ng mga taong may naiiba namang hatid sa kanilang mga istoryang ibinabahagi para masaksihan ng buong mundo.

Ipinakilala sa akin ang isang host ng kanyang online program, ang Over A Glass Or Two (OAGOT), na si Jessy Daing.

Kaya pinanood ko na ang palabas niya with JCas (Jesse Castro) na idinidirehe naman ni Jayvee.

Three months ago pa ito pina-alagwa ni Jesse sa ere at tuwang-tuwa siya dahil ang isa sa unang guests niya ay ang King of Talk ng Pilipinas na si Kuya Boy Abunda.

At mula noon, sari-saring celebrities na from all walks of life ang nakakatsikahan nila habang yes, you guessed it right, habang nagki-clink ang glasses of wine nila or whatever drink or concoction has been prepared for the usapan.

Si Kuya Boy man ay abala na sa kanyang You Tube channel. At ‘sangkaterba ring nuggets of wisdom ang mapupulot mo sa kanyang kinakasanayan na ngayong paraan ng usapan o tsikahan para sa atin.

Ang mantra nga niya: “TALK IS MY LIFE/TALK IS MY STORY/TALK IS BOTH MY STRENGTH AND WEAKNESS/TALK IS MY BUSINESS/ TALK IS MY PASSION/TALK IS MY REALITY/TALK IS MY WORLD! WELCOME TO THE BOY ABUNDA TALK CHANNEL!”

At pwede mag-subscribe sa “batalk channel”.

Mauulit ang pagsalang ni Kuya Boy one of these days sa OAGOT. Kaya, hindi na naman mapakali si Jessy sa excitement.

Mukhang artista ang matabil at makulit na si Jessy na kino-compliment ni JCas. Kaya swak ang tsikahan nila with their guests sa no-holds barred na palitan ng kuro-kuro!

Kilalanin natin si Jessy.

Jessy is not your regular Jane. She’s a very talkative person, she can cover a lot of subjects and topics in any “inuman” session. She was born in Quezon City but has been living in the United States for 21 years. She currently works at a prestigious corporate multi-billion hedge fund company in New York as an Information Manager.

Aside from her day job, she’s also an entrepreneur. She had a luxury authentic bags and accessories business for over 10 years on her Jessy Couture Facebook page. She also practiced professional makeup services for weddings and events, even diving as a makeup artist in New York Fashion Week.

Nagtrabaho na si Jessy sa ABS-CBN’s Balitang-K bilang researcher nang mag-graduate in Communication Arts sa Colegio De San Lorenzo. She also took up Construction Management at Rutgers University.

Naging breaking news anchor rin siya sa RPN-9 before mag-decide na mag-migrate to the US. At former TV host din siya in a program called  iAmFilAm which aired on The Filipino Channel (TFC).

Follow Jessy on:Instagram: @jessy_daing and Facebook: Jessy Daing

Ang partner naman niya sa show na si JESSE CASTRO aka JCAS ay isang online and real life “comedian” who loves to laugh and make people laugh. May degree in Architecture from Mapúa Institute of Technology, and minor design degrees in Parsons & Fashion Institute of Technology (FIT) in NY. At online host din ng iAmFilAm.

Sa ngayon, siya ay Insurance Specialist for one of the biggest hospitals in Midtown Manhattan. JCAS also loves fashion and would love to launch his own line someday.

Follow Jcas on: Instagram: @jcas_nyc, Facebook: Jcas Jesse, Youtube: JCAS_NYC, Tiktok: @jcas_nyc

“OAGOT was formed a year ago but started being active & pushing content last April 2020, by interviewing famous Filipino celebrities & people with inspiring stories on our OAGOT Facebook page & Youtube channel. Celebrities we interviewed: Boy Abunda, Gary Valenciano, Regine Velasquez, Martin Nievera, Jaya, Raymond Francisco, Eric Quizon, Jinggoy Estrada, and many more. We also added vlogs by featuring different places in the East Coast as part of our content.

 

“Ang main goal namin  is to raise awareness for our kababayans in the US and all over the world on how Pinoy artists, icons & social media influencers are currently coping with current issues.” 

Ang konsepto ng nasabing podcast ay tila kitchen table talk – relaxing vibe. The two hosts & guests can talk about anything & everything under the sun while drinking their favorite cocktails or any drinks that they prefer.

At sa nakatakda nilang muling paghaharap nina Kuya Boy, ang King of Talk, hindi na naman mapakali si Jessy.

Tila may pasabog na ipararating sa kanya ito. Na makapagpapabago ba sa ikot ng podcast here and there and everywhere?

“Yahoooo!!! Astig!!! Mayroon din kaming bagong extension ng show namin sa 1st episode namin na “Kwentong Oagot” on Oct 3. Sa October 9 ‘yung surprise with Kuya Boy. Sa totoo lang ‘Teh,  kinakabahan ako grabe.  Kaya ko kaya ‘yun? Ayoko magkamali!”

Abangan natin ‘yan!

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *