ITINATANONG natin ito, kasi nagtataka tayo kung bakit ang mga pumapasok sa Ping-Ping’s kapag lumalabas ay manok na ang pinag-uusapan?!
Bihira lang siguro ang hindi nakaaalam kung nasaan ang Ping-Ping’s Native Lechon & Resto. Pero sa mga hindi pa, nandoon lang po sa A. Bonifacio Ave., La Loma, Quezon City.
Kung nadaraan kayo sa area na ‘yan, mapapansin ninyong parang hindi dinaanan ng ‘pandemic’ ang Ping-Ping’s.
Aba, maraming parokyano, parang normal na normal sa kanila ang ‘new normal.’
Siguro naaaliw ang mga parokyano ng Ping-Ping’s kasi marami silang TV. ‘Yan na lang naman ang natirang libangan ng mga tao ngayon, ang manood ng TV.
Pero, teka muna, parang napapanood ‘daw’ sa telebisyon ng Ping-Ping’s ay mga nagsasabong na manok?!
Hindi pala lechong manok?!
‘Yun o, online sabong pala ang ipinupunta ng kanilang mga prokyano sa Ping-Ping’s?!
Kaya naman pala parang hindi nagsasawa sa lechon ng Ping-Ping’s ang mga prokyano kasi may libangan silang ‘nagsasabong na manok.’
Hi-tech na talaga ngayon. Pati sabong virtual na?
Ang tanong, may tayaan ba ito? Saan sila tumataya? Sino ang nagpapataya?
‘Yun ang kailangang malaman kasi kitang-kita raw sa TV na “live” ang sabong.
Uulitin po natin: saan kaya tumataya para sa online sabong ang mga parokyano ng Ping-Ping’s?
Nangangamoy isda naman ngayon!