Saturday , November 16 2024

LTO region 7 director isinabit sa korupsiyon

Bilang patunay na bistado ng Palasyo ang mga katiwalian sa LTO, isiniwalat ni Roque na si LTO Central Visayas regional director Victor Caindec ay iniimbestigahan sa isyu ng korupsiyon at gusto niyang masampahan ng mga kaso ang opisyal.

 

“Yes, I was referring to Caindec. I have affidavits to prove na kinikikilan niya ‘yung motorcycle distributors. This is a matter of public document already,” aniya sa Palace virtual press briefing kanina.

“Nang hindi po pumayag sa mataas ‘yung kikil na ibibigay sa kanya, saka po siya nagkaroon ng kung ano-anong hadlang,” dagdag niya.

 

May mga reklamo umano laban kay Caindec noong Hulyo dahil sa pagkabinbin sa proseso at release ng certificates of registration ng mga bagong kotse at motorsiklo sa rehiyon.

 

Ipinaabot ni Roque kay LTO chief Edgar Galvante ang usapin laban kay Caindec at saka lamang pinahintulutan ang mga motorcycle owner na makapagrehisto sa LTO sa labas ng lalawigan.

 

Matatandaan sa kanyang 2019 State of the Nation Address (SONA), tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang LTO bilang isa sa pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan kasama ang Social Security System (SSS), Bureau of Internal Revenue (BIR), Land Registration Authority (LRA), at Pag-IBIG.

 

Nagbanta ang Pangulo na ‘papatayin’ sila kapag hindi tumino ang serbisyo.

 

“Kapag hindi n’yo pa nagawa ‘yan ngayon, papatayin ko talaga kayo. Nabubuwisit na ako,” sabi ng Pangulo. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *