Monday , December 23 2024
TIMBOG ang dating manlalaro ng UP Fighting Maroons na si Kevin Rae Astorga, kabilang ang apat katao na nakompiskahan ng tinatayang 150 gramo ng high grade na marijuana o kush, sa buy bust operation ng PDEA-RSET sa BF Homes, Parañaque City. (ALEX MENDOZA)

Ex-UP Maroon, 4 pa timbog sa kush at droga

DINAKIP ng mga ahente ng Philppine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dating manlalaro ng UP Fighting Maroons at apat na iba pa sa isinagawang anti-drug operation sa Parañaque City.

 

Kinilala ang mga nadakip na sina Kevin Rae Astorga, dating player ng UP Fighting Maroons; Agustin Deulexandre Montejo, Jericho Tumagan, Miguel Carlos Mojares, at Karen Vidanes Salvahan.

 

Sa ulat, 12:00 am nitong Lunes, 21 Setyembre, nang salakayin ng mga operatiba ng PDEA ang bahay ni Astorga sa JEMP Building, BF Homes, Parañaque City.

 

Nakuha sa mga suspek ang 150 gramo ng marijuana kush, ilang transparent plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu at cocaine, drug parephernalia at dalawang cellphone na gamit sa pakikipagtransaksiyon sa kanilang mga parokyano.

 

Ilang linggo rin ang isinagawang surveillance operation ng mga awtoridad bago ang pagsalakay. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *