Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Bong, kasado na ang pagbabalik-TV

KASADONG-KASADO na ang pagbabalik-trabaho sa showbiz ni Senator Bong Revilla, Jr. Plantsado na ang mga detalye at susunding health protocols ng weekly program niyang Agimat kasama si Sanya Lopez.

Sa Rizal ang taping ni Sen. Bong pero mas magiging maingat siya dahil  kaka-recover lang niya sa Covid-19.

Hindi biro ang dinanas ng senador nang tamaan siya ng virus. Hirap na siyang huminga kaya nagpaospital na siya.

Ayon kay Senador Bong, hindi two hours kundi two days siyang naghintay sa emergency room bago nakakuha ng kuwarto sa St. Luke’s BGC.

“Mabuti naman at maasikaso ang nurses and doctors. Pero walang VIP treatment sa akin kahit na nga bina-bash pa ako nang magsabi ako na may Covid,” pahayag ni Sen. Bong sa virtual interview ng press.

Buong pagmamalaki naman niyang sinabi na after ng Covid, anumang pagsubok na dumating sa kanya ay kakayanin niya. Remember, mahigit four years siyang na-detain at namatay ang mahal na ama.

“Basta ako sa mga challenge, ang Diyos at pamilya ko ang kinakapitan ko. Thank God!” saad pa ng senador.

Eh sa darating sa September 25 ay kaarawan niya. No more big celebrations gaya ng nakaraang mga taon.

Sa halip, mamimigay si Senador Bong ng tablets sa nangangailangan sa buong bansa para makatulong sa pag-aaral ng mga kabataan.

Happy, happy, birthday, Senator Bong!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …