Thursday , December 26 2024

PNP checkpoints nalusutan ng ‘unipormadong’ holdaper sa Maynila

KUNG kailan mayroong checkpoints at sa bawat kanto ay may nakatayong pulis, saka pa nagkalakas ng loob ang mga holdaper para umatake sa kanilang bibiktimahin.

At ‘yun ang ipinagtataka natin.

May holdapan sa F. Torres at Soler St., gayong ilang metro lang ang layo nito sa mga police community precinct (PCP) at estasyon ng pulisya pero suwabeng nakalusot ang holdaper.

Nasaan ang mga pulis? Napunta ba lahat sa Manila Bay at iniwanan ang kanilang mga estasyon? Nasabik ba silang makakita ng bleached ‘este beach sand 

Sa pagrepaso sa CCTV camera, kitang-kita na ang mga holdaper, sabi ay lima katao, ay naka-unipormeng sundalo.

Wattafak!

Hindi lang ito simpleng holdap, may ‘mensahe’ ang pagsusuot ng camuflaje ng sundalo o pulis ng mga nasabing holdaper.

Tunay na pulis o sundalo ba sila na disgruntled sa gobyerno? Iyon ba ang dahilan ng panghoholdap nila? O sila ay grupo ng mga tunay na sanggano’t kriminal at niyururakan ang uniporme ng AFP at PNP?

By the way, sa insidente pong ito ay pinaslang ang pulis, beteranong pulis, na si P/EMSgt. Roel Candido, 53 anyos.

Si Candido ay bodyguard ng target na si Catherine Ornido King, 43 anyos, nagmamay-ari ng jewelry store sa Chinatown Gold Center sa Sta. Cruz, at sinabing siyang tunay na target ng mga holdaper.

Patay agad ang pulis, sugatan ang mag-aalahas na si King, napinsala rin ang driver na si Sulficio Pisngot na tinamaan ng bala sa ibabang bahagi ng katawan, at ang sales lady na si Visia Cañete, 20 anyos.

Kung ganito kaluwag na nakakikilos ang mga holdaper sa Maynila lalo sa distrito ng Binondo, ano na ang nangyayari sa Maynila P/BGen. Rolando Miranda?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *