Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko, naka-Silver Play Button na sa YT

DAHIL may mahigit na 100,000 subscribers sa kanyang Youtube channel, matatanggap na ni Aiko Melendez ang kanyang YouTube Silver Play Button!

May mahigit 100,000 subscribers na ang official YouTube channel ng multi-awarded Prima Donna star.

Para sa kaalaman ng lahat, ang YouTube Silver Play Button ay isang parangal o pagkilala sa isang Youtuber na mayroong100,000 o higit pang YT subscribers.

Halos isang taon pa lamang, noong August 31, 2019, nang unang mag-upload si Aiko sa kanyang Youtube channel, ito ay noong katatapos lang niyang pumirma ng managerial contract kay Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuit.

Ang kalimitang nilalaman o content ng mga video ni Aiko ay tungkol sa lifestyle, beauty, fitness, at wellness at madalas ay nagtatampok sa kanyang mga anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain, at ang butihing ina ni Aiko na si Mommy Elsie Castaneda.

At para makapag-share ng blessing at makatulong sa kapwa, madalas ay nagpo-promote si Aiko ng mga maliliit na negosyo… for free!

Alam naman natin na milyon ang bayad sa celebrities para mag-endoso ng produkto o negosyo sa kanilang social media accounts, pero si Aiko ay ginagawa ito ng libre.

May adbokasiya rin si Aiko para i-promote ang mga produktong lokal na gawa sa Pilipinas

“As my way of helping small business during the pandemic, I will feature some products, food that I believe in, [and] all those who are deserving of shout outs from me,” pahayag ni Aiko sa kanyang Instagram account.

“I’m excited to share to all my more than 100K subscribers on YouTube that as my way of helping small business during the pandemic, I will feature some products, food that I believe in, all those who are deserving of shout outs from me.

“Yes, you read it right, not only in my IG stories but in my YouTube channel as well.

“This is my way of thanking everyone for subscribing to my YOUTUBE channel,” dagdag pa ng mahusay na aktres.

Siyempre pa, kasama sa mga ineendoso ni Aiko ay ang negosyo ng unico hijo niyang si Andre na Andrei’s Obra Lokal products at ang business ng bunsong anak ni Aiko na si Marthena, ang napakasarap na Marthena’s Cookie Marthens.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …