Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gari Escobar, natarayan ni Ms. Cherie Gil sa acting workshop?

NAKAPANAYAM namin si Gari Escobar at nalaman namin na sumabak na rin siya sa acting workshop. Ang matindi pa sa nabalitaan namin sa kanya, ang acting coach niya ay walang iba kundi ang premyadong aktres na si Ms. Cherie Gil.

Kuwento sa amin ng prolific na singer/songwriter, “Tapos na po yung kay Ms. Cherie Gil, nag-start po ito noong August 14. Bale, online acting workshop po ito.”

“Right now po nagpa-practice na ako para sa online concert ko sa October 18 @4PM.”

Dagdag pa ni Gari, “At may bagong acting workshop po uli ako under Direk Jo Macasa, na nag-start na po last September 19. Plus, may iba pang online trainings na bahagi rin ako.”
Ano’ng klaseng experience ang Cherie Gil Masterclass?
“Three and a half hours per session, six sessions po… Bale, nang simula ay excited talaga ako na ma-discover ang mga bagay na hindi ko pa alam sa daigdig na ‘to at maging sa sarili ko po. Mahusay si Ms Cherie, in-assist siya ng anak niya na si Bianca na US based actress and supported siya ng friend niya na si Ms. G. Toengi.

“Unang session pa lang po, ang dami ko nang natutunan, parang isang book na ang katumbas,” nakangiting saad pa niya.

Hindi ba siya natakot o nailang, may tsikang terror daw kasi si Ms. Cherie? Natarayan ba siya ng award-winning actress?

Tugon ni Gari, “Mabait po siya, professional siguro ang tamang term doon sa sinasabi nilang terror… Pero hindi naman po, eh. Napaka-sweet nga po niya.

“Feeling ko po. para na rin akong natuto sa mga mentors niya na sina Direk El Maestro Elwood Perez (a dear friend of mine too) at Direk Peque Gallaga na puring-puri niya pareho.”

Saad pa ni Gari, “Actually, pangatlong acting workshops ko na ito, una po ay kay Direk Brillante (Mendoza), then sa INC, under kay Ms Flordeliza Salanga na award-winning actress po.”

Nabanggit pa niyang type rin niyang mag-artista. “Dati po hindi, pero nag-eexplore lang po ako ng mga kaya ko pang gawin, habang kaya pa po. For one, gusto ko pong magpatawa at magpasaya ng mga tao.”

Sino ba ang mga hinahangaan niyang komedyante? “Idol ko si Tito Dolphy at si Michael V, gusto ko ang kanilang style,” pakli pa niya.

Sino ang gusto niyang maka-work bilang artista, kung sakali? “Gusto ko po maka-work sina Bela Padilla, si Ms. Cherie Gil, si ate Guy, si Maricel Soriano at marami pa po. Kasi mga hinahangaan ko talaga sila at magagaling talaga sila sa kanilang larangan,” esplika pa ni Gari.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …