Saturday , November 16 2024

Bawas-distansiya bawi muna — DOTr

BINAWI pansamantala ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng bawas-distansiya sa mga pampublikong sasakyan na sinimulang ipatupad noong Lunes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na inianunsyo ni Transportation Secretary Arthur Tugade na suspendido ang naturang bagong patakaran dahil hindi pa nakapagsusumite ng rekomendasyon ang  Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa usapin.

“Balik one meter distancing muna po tayo sa pampulbikong transportasyon habang wala pang desisyon ang Presidente kung pupwede itong maibaba sa .75 (meter),” ani Roque sa virtual press briefing kahapon.

Sa ginanap na public address ni Pangulong Duterte noong Lunes ng gabi kasama ang ilang miyembro ng IATF, umalma sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Health Secretary Francisco Duque III sa bawas-distansiya habang si National Task Force on CoVid-19 response chief implementer Carlito Galvez ay pabor sa patakarang ipinatupad ng DOTr kahit wala sa resolusyon ng IATF.

Inutusan sila ng Pangulo na magsumite ng visual presentation ng kanilang mga paninindigan sa bawas-distansiya upang lalo niyang maintindihan ang argumento ng bawat panig at maging gabay niya sa pagpapasya.

Inaasahan na ihahayag ng Pangulo ang kanyang desisyon sa isyu sa kanyang public address sa darating na Lunes.

Paliwanag ni Roque, kahapon pa lamang isinumite sa Pangulo ang report ng IATF at kailangan pang pag-aralan ito ng Punong Ehekutibo.

Noong Miyerkoles, sinabi ni Roque na tuloy ang pagpapatupad ng bawas-distansiya sa mga pampublikong sasakyan hanggang hindi ito ipatitigil ni Pangulong Duterte.

Aniya, nabigo ang IATF na magkasundo sa patakaran sa bawas-distansiya kaya ipinauubaya na nila kay Pangulong Duterte ang desisyon sa usapin. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *