Tuesday , December 24 2024

Yul inisa-isa, mga nagawa ni Yorme

ABA! Aba! Aba! Teka lang muna. Gulat na gulat naman ang mga nakabasa sa post ni Congressman Yul Servo Nieto sa isang simpleng tanong na inihain sa kanya.

Na sinagot nga niya.

“May nagtanong sakin bakit puro pasikat si Mayor Isko, ano na raw ba ang nagawa n’ya?

“Sinagot ko naman:

– Pinaganda ang Bonifacio Park na ngayon ay tourist destination na may musical fountain at coffee shop.

– Pinaganda ang makasaysayang Jones Bridge at ibinalik ang La Madre statues sa tama nitong lugar.

– Pinaganda ang Lagusnilad underpass.

– Pinaganda ang Mehan Garden.

– Pinaganda ang Vitas Park at Aquatic Center.

– Pinapaganda ang Anda Circle sa Pier.

– Nagpapagawa ng bagong state-of-the-art Ospital ng Maynila

– Nagpapagawa ng 4 na 15-storey vertical housing sa Tondo at Binondo.

– Pinapagawa ang bagong Manila Zoo.

– Nagpapagawa ng Manila Muslim Cemetery.

– Nagpapagawa ng bagong housing sa Baseco para sa nasunugan.

– Nagpapagawa ng bagong Vitas Slaughterhouse.

– Naglagay ng Wifi kiosks sa buong España katabi ng mga malalaking universities.

– Pinuno ng ilaw at ginawang maliwanag ang España Blvd at Taft Avenue.

– Nilagyan ng Capiz lights ang maraming puno sa iba’t ibang parte ng siyudad.

– Inalis ang illegal vendors sa Recto, Soler, Juan Luna sa Divisoria kasama ang mga organizers nito.

– Binigyan ng 100 stalls ang mga vendors sa Ilaya na may P40/day na upa.

– Nilagay sa ayos ang vendors sa Blumentritt.

– Nilagay sa ayos ang vendors sa Carriedo Quiapo.

– Nilagay sa ayos ang vendors ng Paco Market.

– Tuloy-tuloy na clearing operations sa sidewalks at pag-alis ng obstructions.

– Nagbigay na P500 monthly pension for senior citizens, single parents at PWD through PayMaya.

– Nagbigay ng monthly allowance for UDM at PLM students through GCash.

– Nagbigay ng cakes para sa senior citizens tuwing birthday nila.

– Gumawa ng programa para mabigyan ng trabaho ang mga seniors sa fast food chains.

– Intensified police operations through MPD SMART arresting 173 most wanted criminals.

– Installation ng maraming CCTV para mabantayan ang peace and order.

– Pagharap ng suspects sa FB live para hindi na pamarisan.

– Received donation of 26 cars, 10 motorbikes for MPD.

– Declared persona-non-grata at inaresto ang ilang members ng Panday Sining sa pag vandalize sa Maynila.

– Pinasara ang Isetann Recto dahil sa mga paglabag sa batas.

– Crack down ng illegal printers sa Recto.

– Crack down on cutting trip by jeepney drivers.

– Pinagbawal ang pagbebenta ng second hand phones.

– Closed bars within the vicinity of schools.

– Intensified drive sa paghuli sa mga botcha na karne.

– Nag implement ng curfew for minors sa buong lungsod.

– Pinakasuhan ang mga pabaya na magulang ng mga nahuling minors.

– Paglilinis sa hanay ng MTPB para maalis ang kultura ng kotong.

– Gave amnesty for unclaimed driver’s licenses. Kumonekta sa system ng LTO.

– Intensified crack down on illegal parking.

– Binuwag ang MTRO (Tricycles) dahil sa katiwalian.

– Ginawa ang pinakamalaking dialysis center sa Pilipinas sa Gat Andres Hospital na may libreng hatid sundo sa pasyente.

– Binuksan ang TB-DOTS Center, Blood Bank at Hemodialysis Center sa Ospital ng Maynila.

– Ginawa ang Vaccine Room sa Sta. Cruz.

– Hired more doctors and nurses for six hospitals of Manila. 

– Pinasara ang Elegant Fumes na naglagay ng “Manila Province of China” sa kanilang produkto.

– Maraming pinahuli na Chinese nationals na lumabag ng batas sa Maynila.

– Dahil sa endorsement, nagbigay ng 4M financial aid sa mga bayan na nasalanta ng Taal Volcano.

– Dahil sa endorsement, nakapagbigay ng financial aid sa Cotobato.

– Dahil sa endorsement, nakapagbigay ng 700k sa Simbahan ng Pandacan.

– Dahil sa endorsement, donated 3M for new computers sa UDM.

– Donated more than 32M sa PGH mula sa endorsement at birthday event.

– Pinakonti ang steps sa pagbubukas ng negosyo.

– Gumawa ng app para online mabayaran ang mga local taxes at mawala ang mga fixer.

– Helped generate 73B in new investments from private sector.

– Nagbigay ng amnesty para malinis ng mga negosyo ang kanilang pagka-utang sa lungsod.

– Kinausap ang mga negosyante para maayos ang sahod sa 168 Mall.

– Nagpaikot ng mga Kadiwa markets sa Maynila.

– Inayos at pinadali ang proseso ng tulong sa mga nasunugan.

– Ginawang regular ang mga matagal ng J.O. at nag promote ng halos 500 na empleyado.

– Settled GSIS debt from previous administration.

– Maayos na implementasyon ng Traslacion at Undas.

– Naglagay ng maraming vertical gardens sa Lawton at ibang parte ng siyudad.

– Nag install ng air testing machines.

– Nagbigay proteksyon sa Arroceros Park para hindi ito maipagbili ng lungsod.

– Binuo ang Estero Rangers para linisin ang mga estero, kanal at beach sa Baseco.

– Worked with DILG sa Disiplina Muna campaign.

– Worked with DOT sa pagpromote sa Intramuros.

– Worked with DOTR sa Pasig River Ferry.

– Worked with DOH sa mga programa laban sa dengue.

– Worked with DPWH sa mga tulay na gagawin sa Pasig River.

– Worked with PDEA by giving them a free office sa Manila City Hall.

“During Covid naman:

– Unang bumuo ng Manila Infectious Disease Control Center para alagaan ang magkaka Covid-19.

– Nagsagawa ng mass testing through drive-thru, walk-in at mobile truck. Gumawa ng sariling PCR testing lab.

– Nagbigay ng halos 2 bilyon worth na ayuda sa panahon ng lockdown.

– Bumili ng 1-billion worth of tablets, laptops para sa distant learning.

– Araw-araw na pagrereport sa FB nuong mga unang buwan ng ECQ.

– Gumawa ng isang dosenang quarantine facility for positive and probable patients.

– Kinupkop ang libo-libong street dwellers.

– Nagbigay ng 1M sa bawat pamilya na namatayan ng medical frontliner.

– Bumili ng Remdisivir para sa bigger chance ng paggaling ng Covid patients.

– Namigay ng higit 600k na washable face mask at nagbigay trabaho sa nagtatahi.

– Nagsagawa ng Support Local campaign para suportahan ang mga negosyo.

– Kumausap ng pharma companies at nag allocate ng budget pambili ng vaccines.

– Every week nagbigay ng ulat sa mamamayan through The Capital Report.

– Mabilis na pag aksyon sa maraming reklamo ng mga netizens.

– Dahil kay Yorme ay nabigyan pansin muli ang Maynila bilang sentro ng negosyo at turismo.

– Pinakita niya kung paano ang tunay na pagmamahal para sa mahihirap.

– Libo-libong tao ang nagbigay ng donasyon for the first time sa pamahalaan.

– Higit sa lahat ay na antig nya ang puso at damdamin ng mga Manileño at Pilipino para magtiwala muli sa gobyerno at magkaron ng pag-asa para sa hinaharap.

“At minsan nag ti-Tiktok din sya para mapasaya ang mga frontliner. Parang ‘yan pa lang naman. 

 Ah, mukhang ibinahagi lang naman niya ang nag-effort talaga na sabihin at ilitanya ang mga nagawa at ginagawa na ng Alkalde ng Maynila sa mga sandaling ito.

Pero, kung si Cong. Yul ang naka-memorya at nagsabi nito, maniniwala akong napakahusay niyang maging campaign manager ng butihing Mayor ng Maynila.

Kitang-kita ang pagiging solido ng kanyang suporta kay Mayor Isko.

Mahaba man ang nasabing checklist, pero tila tandang-tanda na ng bawat Manileño ang nagagawa niya, ha.

May Yul pa at mga kasanggang sige sa kapupukpok at pagpapa-alala!

A-amen ba ang lahat ng taga-Maynila sa litanya?

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *