SA GITNA ng malungkot at nakahihilakbot na pandemya, isang pagpapala ang natanggap natin kahapon nang umaga.
Inirekomenda ni Manila Senior Assistant City Prosecutor Teresa Belinda Sollano sa kanyang resolusyon na ibasura ang kasong Libel na inihain sa inyong lingkod ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam.
Ang kaso ay kaugnay ng naisulat nating kolum na si Manya Sandra ay isinasangkot ng pamilya ng pinaslang na si Batuan, Masbate vice mayor Charlie Yuson III.
Hindi lang naman tayo ang nagsulat, maraming pahayagan ang nagsulat ng nasabing balita.
Marami sa mga pahayagang iyon ay inasunto ni Manay Sandra. Ang inyong lingkod yata ang huli niyang sinampahan ng kaso.
Ako nama’y naninindigan na walang malisya ang kolum na aming inilathala, sapagkat lahat ng iyon ay base sa police report at sa pahayag ng pamilya ng biktima.
Nagtataka lang tayo kung bakit naisip ni Manay Sandra na isama ako sa asunto gayong klarong-klaro naman na wala tayong masamang intensiyon.
At natutuwa tayo na kinatigan iyon ng piskalya.
Sa resolusyon ni Senior Assistant City Prosecutor Sollano, sinabi niyang ang kolum ng inyong lingkod na may titulong “SANDRA CAM ITINUTURO NG PAMILYA NI VM YUZON” ay maituturing na qualified privileged.
“A perusal of the article shows that it belongs to the class of communications regarded as qualified privileged, pursuant to Article 354 of the Revised Penal Code, reading:
ART. 354. Requirement for Publicity. Every defamatory imputation is presumed to be malicious , even if it be true, if no good intention and justifiable motive for making it is shown, except in the following cases.
- A private communication made by any person to another in the performance of any legal, moral, or social duty; and
- A far and true report, made in good faith, without any comments or remarks, of any judicial, legislative, or other official proceedings which are not of confidential nature of any statement, report of speech delivered in said proceeding, or of any other act performed by public officers in the exercise of their functions.
Kaya ‘yan po, klarong walang malisya ang isinulat na kolum ng inyong lingkod.
Aniya sa resolusyon, “Wherefore, it is recommended that the charges against Lalaine Yuson and Jerry S. Yap for Libel be dismissed for lack of merits.”
Sa Resolusyon po na nilagdaan ni Senior Assistant City Prosecutor Sollano noong 20 Disyembre 2019 na natanggap namin nitong 15 Setyembre, nakasaad na walang ‘ill-will’ at hindi ‘in bad faith’ laban kay Cam ang pagsasapubliko ng aming kolum base nga sa Article 354 ng Revised Penal Code.
Sinabi sa resolusyon na walang malisyosong intensiyon ang artikulo namin dahil naisulat din ang panig ni Cam kaugnay sa pagpaslang kay Yuson. At hindi rin napatunayan na magkasabwat kami ni Ms. Yuson sa paglalabas ng nasabing artikulo.
By the way, kung hindi tayo nagkakamali, si Manay Sandra ay nahaharap pa sa kasong murder kasama ang kanyang anak, at dalawa pa.
Kasama rin siyang sa asuntong paglabag sa Section 3(I) of Republic Act 3019 or the Graft and Corrupt Practices Act at gross misconduct.
‘Yan ay sa rekomendasyon pa rin ng NBI sa Ombudsman kasama sina Balutan, Corpuz, at anim na former and current PCSO board members, at pitong miyembro ng STL Monitoring Group (SMG).
Palagay natin ay kailangan ninyo ng abogadong mabigat at hindi ‘yung pabigat lang sa inyo.
Good luck, Manay!