Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carla, takang-taka sa dahilan ng pagkakasakit

BAGO ang pandemic, sa presscon ng Love Of My Life early this year ay pinagkuwento namin si Carla Abellana tungkol sa pagkakasakit niya taong 2019.

 

“I did po, opo, mga mid to late 2019 po medyo nagkaroon po ako ng mga health scares, health issues, katulad ng asthma and then ‘yung Tachycardia ko po. Tachycardia is irregular heart beating po, mabilis po…rapid po ‘yung heart rate.”

 

Ano ang sanhi ng Tachycardia?

 

“Depende po eh, but I’ve had Tachycardia for ten years already, and then po ‘yung aking Hypothyroidism, and then nagkaroon po ako ng liver damage dahil po sa gamot for Hypothyroidism.”

 

‘Yun ang side effect?

 

“Hindi po, kumbaga allergic po pala ako sa gamot, so I had an adverse effect. Ang mahirap lang po kasi is nagsabay-sabay po sila, and then mahirap po kasi I would spend three days a week at the hospital for check-ups, follow-ups and tests, and siyempre magastos po.

 

“Ang laki po talaga ng ginastos, all the tests, the check-ups and the treatments, medication. So mahirap po kasi nagsabay-sabay, tapos kada punta ko po sa doctor may mahahanap na naman po or may complication or may ganito, hindi maganda ‘yung mga test results, mga ganoon po. So mahirap kasi siyempre we were in the middle of taping for the show, gigising ka ng maaga puyat ka from taping para lang umabot sa appointment niyong doctor, kasi siyempre ‘yung clinic hours po ng doctor ay limited, kailangan sila ‘yung susundan na schedule.

 

“Tapos ‘yun nga po ang laki ng gastos. Kaya sabi ko, ‘Shucks magpa-Pasko pa naman’, naubos ang pera.”

 

Kagulat-gulat na kahit healthy ang lifestyle ni Carla ay may mga sakit siya.

 

“Yes, ‘yun po ang problema, kasi nagtaka po ako, una kasi every time I tape for a new soap po I always go on a specific diet which is 1200 calories po per day, and then I would always workout consistently po, hindi po dumadaan ang isang linggo na hindi ako nakakapag-workout ng at least four days a week.

 

“So nagugulat po ako na…I mean I take supplements, wala naman po akong bisyo, I don’t smoke, I don’t drink, I don’t indulge in fatty food or unhealthy food or mga…so iyon po ‘yung nakapagtataka, kaya kinu-question po ang genetics but then again, sa family namin wala naman po kaming history ng thyroid problems, asthma, wala naman po kaming mga…

 

“Ako lang po, kaya hindi ko po alam kung bakit nagsabay-sabay po sila,” sinabi pa ni Carla.

 

Samantala, abangan si Carla sa ang Sinapupunang Paupahan: The Naneth Villegas Story sa Magpakailanman para malaman ang kasagutan.

 

Ngayong Sabado na sa Magpakailanman sa GMA at may hashtag na #CarlaAbellanaOnMPK, tampok din sa naturang episode sina Ryan Eigenmann, Janine Desiderio, Ina Feleo, Orlando Sol, at Sue Prado.

Ito ay sa direksiyon ni Ms. Laurice Guillen. 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …