Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Asian at American Artists, pinagsama-sama para sa kantang Rise

ISANG kakaibang experience para kina Inigo Pascual at Sam Concepcion ang makasama sa isang collaboration sina Grammy Award-winning R&B artist na si Eric Bellinger, Manila-based producer na si Moophs, Malaysian singer-songwriter na si Zee Avi, at Black Swan composer na si Vince Nantes sa isang bigating kanta na pinamagatang,  RISE.

 

Ang awiting Rise ay ukol sa pagbangon at pagharap sa bagong mundo na ire-release ng Tarsier Records ng ABS-CBN ngayong araw, Biyernes (Setyembre 18). 

“Ang buhay mismo ang pangunahing kuwento na nag-inspire sa akin sa pagsulat ng ‘RISE,” kuwento ni Vince na sumulat ng bagong awitin.

“Mula sa pandemic hanggang sa protests, political differences, unfair treatment bilang tao, maraming pangyayari na mahirap intindihin at gusto kong bigyan ang lahat ng kantang ma-eenjoy nila at paniniwalaan,” sabi pa ng US-based songwriter.

 

Sinabi naman ni Moophs, na ang RISE ang pinakamalaking release ng Tarsier Records na may layuning maghatid ng multi-cultural example ng pagkakaisa laban sa kahirapan.

“Itong kanta ang sagot ko sa 2020. Kung titingin tayo lampas sa borders, politika, at skin color, at pipiliing magkaisa, kakayanin nating malampasan ang anumang pagsubok ngayong taon,” giit ni Moophs.

 

Puno naman ng pag-asawa kung ilarawan ng “Bitter Heart” singer na si Zee Avi ang kanta. Aniya, “Simple lamang ang salitang ‘RISE’ pero ito ay dapat nating laging ipaalala sa mga sarili natin.”   

 

Hindi naman maitago ni Sam ang kanyang excitement sa pagkakataong magkakasama-sama ang artists galing sa Asia Pacific. Aniya, “Dream come true para sa akin ang proyektong ganito kalaki at kahalaga. Naniniwala ako na dahil sa mga mang-aawit na bahagi ng kanta at unifying message nito, maaari itong mapakinggan sa buong mundo.”

 

Isa kami sa unang nakakita ng  dalawang music videos na itatampok sa RISE, isang animated video na ipakikita ang pinagsama-samang singers bilang superheroes na lalabanan ang ‘2020 monster’ at isang kuwento ng sangkatauhan at mensahe ng pag-asa mula sa influencers na galing sa iba’t ibang panig ng mundo. Kahanga-hanga ito at talagang dapat mapanood ng mga Filipino.

 

Bahagi ang Tarsier Records ng ABS-CBN Music na naglalayong ipakilala ang talentong Pinoy sa buong mundo at nagsisilbi ring gateway para sa international artists patungo sa Pilipinas.

 

Maaari nang i-pre-save ang RISE sa https://orcd.co/RISE-single at abangan ito sa iba’t ibang digital platforms simula ngayong Biyernes (Setyembre 18). Para sa updates, i-like ang Tarsier Records sa Facebook (www.facebook.com/tarsierrecords), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@tarsierrecords).

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …