Tuesday , August 12 2025

‘Isang bansa’ vs pandemya kailangan — Go

KAILANGAN ng whole-of-nation-approach.”

Ito ang panawagan ni Senate committee on health chairman, Senator Christopher “Bong” Go sa gitna ng CoVid-19 pandemic na nararanasan ng bansa at ng malaking bahagi ng mundo.

Sinabi ni Go, ginulantang ng coronavirus ang mundo kaya aminado siyang learning process araw-araw ang nararanasan ng bansa simula noong kumalat ang pandemya.

Kaugnay nito, inihayag ni Go, sinisikap ng gobyerno na gawin ang lahat para maibsan ang krisis dulot ng pandemya kasabay ng paglulunsad ng mga bagong polisiya at sistema na magbibigay ng kahandaan hindi lang sa kasalukuyang krisis kundi sa mga posibleng susunod pa.

Pinasalamatan din ni Go ang healthcare workers at volunteers sa patuloy na serbisyo lalo ngayong panahon ng pandemya dahil walang katumbas ang sakripisyong kanilang ginagawa.

Ayon kay Go, malaki ang utang na loob sa kanila ng buong  bansa, habang umaasang hindi sila mapagod sa pagsisilbi sa mga nangangailangang kababayan sa kanilang expertise.

Aminado si Go, pagod na rin ang medical personnel  sa mataas na bilang ng mga CoVid-19 patients kaya kailangan aniya ng Medical Reserve Corps na nakapaloob sa kanyang Senate Bill 1451, na bubuuin ng mga mayroong degree sa kalusugan tulad ng nursing, medical technologist, at iba pang  health-related field.

Tatawagin ang mga miyembro ng Medical Reserve Corps sa oras na kailanganin sila ng national  government  at local government units sa pagtugon sa medical needs ng publiko lalo sa panahon ng national emergencies. (CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …

JInggoy Estrada

Sen. Jinggoy pinangalanan
3 OPISYAL NG DPWH NA SANGKOT SA PAGGUHO NG ISABELA BRIDGE

TAHASANG tinukoy ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of …

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

Laban Konsyumer Inc LKI Electricity

NEA binatikos ng konsyumer vs pagkokompara sa ‘di-patas na singil

BINATIKOS ng grupong Laban Konsyumer Inc. (LKI) ang National Electrification Administration (NEA) dahil sa anila’y …

BIR money

Bilyong piso nawawala sa gobyerno — BIR
AHENSIYA vs ILEGAL NA KALAKALAN DAPAT ITATAG —  NOGRALES

NANINIWALA si Philippine Tobacco Institute (PTI) President Jericho Nograles na kailangang bumuo ang pamahalaan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *