Saturday , November 16 2024
media press killing

Crusader vs anti-illegal logging binansagang ‘guerilla-broadcaster’ (Pinatay ng riding-in-tandem)

BINANSAGANG guerilla-broadcaster ng isang opisyal ng Palasyo ang pinatay na anti-illegal logging crusader at broadcaster sa Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Bagama’t kinondena ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Undersecretary Joel Sy Egco ang pagpatay sa sinabi niyang ‘former radioman’ Jobert “Polpog” Bercasio, sinabi niyang nakaaalarma ang pagdami ng gumagamit ng Facebook-based broadcast platforms.

Si Bercasio ay radio reporter na naging host sa Balangibog TV, isang Facebook news page, at bantog sa pag-atake sa illegal logging sa lalawigan ng Sorsogon.

Interesado si Egco na malaman kung paano nakatatagal ang mga nasa likod ng online news at paano ang operasyon nito kaya’t nais niyang usisain ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at iba pang media organization kung paano itatrato ito at paano ang regulasyon sa alinmang grupo.

“It is important to know how they survive and how they really operate. There are certain privileges here that are lacking. First, the clear non-requirement of a franchise. Second, their business operations. We need to know how they could pay for their salaries and of their staff members if any. Any ‘guerilla’ type of broadcast operation is dangerous, as it would be vulnerable to all sorts of threats,” sabi ng opisyal.

Hindi naglabas ng ganitong posisyon ang Palasyo noong Setyembre 2018 kaugnay ng kontrobersiyal na viral video nina dating Communications Assistant Secretary Mocha Uson at pro-Duterte blogger Drew Olivar.

Tahimik si Egco sa viral na bastos na “pepe-dede ralismo” video nina Uson at Olivar hinggil sa isinusulong na federalism ng administrasyong Duterte na ginawang katatawanan ang “sign language” na ginagamit ng mga pipi’t bingi.

Magugunitang sa kanyang Facebook page, ipinaskil ni Mocha ang video habang inuutusan niya si Olivar na mag-sign language at humagalpak ng tawa habang kung ano-anong senyas sa kamay ang ginawa ng pro-Duterte blogger.

Ang dalawang pangyayari ay parehong matutunghayan sa kani-kanilang Facebook page, na ang una nga ay binansagang ‘gerilya’ at kinukuwestiyon ang pag-iral at pananatili sa ere, habang ang huli ay itinuring na katatawanan. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *