Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beautederm CEO Rhea Tan, nasa bucket list ang pagsungkit kay Piolo

PANIBAGONG milestone sa Beautederm Corporation ang pag-welcome nila ngayong September kay Piolo Pascual bilang pinakabagong celebrity brand ambassador na nataon pa sa pagdiriwang ng 11th anniversary ng kompanya.

Ang Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan, na pinangaralan ng People Asia magazine bilang “Women of Style and Substance” ay maligayang-maligaya na bahagi na ang award-winning actor sa kompanyang kanyang itinatag 11 years ago.

Aminado ang lady boss ng Beautederm na nasa bucket list niya si Piolo noong nag-start ang kanyang kompanya. “Nasa bucket list ko na si Piolo magmula noong sinimulan ko ang kompanya noong 2009,” sabi ni Ms. Rhea.

“With hard work, careful planning, and prayers nagkatotoo ang aking pangarap to have him as one of my ambassadors. I have always admired his body of work as one of the most accomplished and respected artists in the industry,” aniya pa.

Si Piolo na very active at healthy ang lifestyle, ay ine-endorse ang Beau Charcoal Soap mula sa Spruce & Dashmen’s line ng brand – isang best-seller at paboritong produkto ng libo-libong consumers. FDA notified at certified Superbrands bath soap ang Beau. Nagde-detoxify at nag-e-exfoliate ito habang nagbibigay ng clean, fresh, at delicious scent lalo na sa mga kalalakihang busy, na laging on the go gaya ni Piolo.

“Longtime user ang kapatid kong babae ng Beautéderm products, marami na akong nabasa tungkol sa brand at nakakarinig ako ng positive feedback mula sa aking mga kasamahan sa trabaho. Daily essential para sa akin ang Beau as it truly delivers its promises –relaxed, energized, at rejuvenated ako tuwing nagsha-shower ako after a long day,” saad ni Piolo.

Nagpapasalamat din si Ms. Rhea sa patuloy na suporta ng mga loyal Beautéderm users sa gitna ng pandemya. “Patuloy kaming magiging faithful sa aming commitment na pagsilbihan di lamang ang aming users kungdi pati na rin ang aming resellers at distributors sa pag-develop ng mga produktong mataas ang kalidad. We have partnered with Piolo dahil marami kaming similarities and chief among them is our unrelenting passion for excellence. Humbled kami na bahagi na siya ng aming pamilya.”

Si Piolo na isa ring negosyante, ay inspired sa business model ng Beautéderm. “Nakakatuwang malaman na madaming tao, kasama na ang kanilang mga pamilya ang natutulungan ng brand dahil sa business opportunities na naibibigay nito sa resellers at distributors sa buong bansa. Their sales force is one of the most hard-working teams I’ve ever seen and I am honored to be part of Beautéderm.”
Para sa mga exciting na balita at lahat ng mga hottest updates ukol sa Beautéderm at kay Piolo, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa BeautédermTV sa YouTube.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …