Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian Rivera, nag-back out sa First Yaya!  

Marian Rivera is thankful that GMA-7 was able to understand her predicament.

Valid naman kasi ang kanyang reason kung bakit niya tinanggihan ang project.

Pahayag niya sa mediacon via Zoom last Saturday, September 12, “Mahirap man sa akin, kasi hinulma itong karakter na ito para sa akin, at noong storycon, sinabi nila na ginawa nila ang First Yaya ayon sa kapasidad na mag-swak sa akin, e, nagkaroon nga ng pandemya.

“Sabi ko, kinausap ko ang GMA kung paano ang magiging protocols nila sa taping.

“Sinabi nila, may lock in, hindi muna uuwi, or parang Descendants na nandoon lahat.”

Marian is referring to the lock-in taping of the Descendants of the Sun, that is being starred in by her husband Dingdong Dantes.

So far, katatapos lang daw ng kanilang lock-in taping.

Sabi ni Marian, parang mahihirapan raw yata siya sa ganoong set-up.

Gustong-gusto raw niyang gawin ang First Yaya. Nakakasa na raw siya riyan. Buong puso at isip niya, nakalaan na gagawin niya ‘yan.

Ang kaso, nagkataon raw na may pandemya tayong kinakaharap ngayon. Siguro raw, hindi pa ito ‘yung time.

Mahirap raw kasi kung siya’y naka-lock in. For one, hindi niya makikita ang kanyang mga anak.

Nagpapadede pa raw siya kay Sixto, 1, inaasikaso pa si Zia, 4, sa online class niya.

‘Tapos, hindi raw siya uuwi ng bahay?

Hindi raw talaga niya kakayanin.

Mabuti raw tinanggap ng GMA-7 ang pagtanggi niya dahil safety naman ng kanyang pamilya ang una niyang concern.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, NHong!

Marian Rivera, nag-back out sa First Yaya!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …