Saturday , November 16 2024
gun shot

Lalaki sinita ng parak dahil walang face mask kumasa sa resbak

RUMESBAK ang isang lalaki nang sitahin ng mga miyembro ng Manila Police District (MPD) na nagba- bike patrol nang maispatan na walang suot na facemask kahapon ng umaga sa McArthur Bridge, sa Ermita, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng Lawton Police Community Precinct (PCP), isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang sugatang suspek na kinilalang si Joel Limacob, nasa hustong gulang, residente sa Barangay 659, Ermita, Maynila.

Sa imbestigasyon ng MPD-PS5, dakong 10:20 am nang naganap ang insidente sa naturang lugar, ilang metro ang layo sa Lawton ferry habang nagpapatrolya ang District Mobile Force Battalion (DMFB) nang makita ang suspek na walang suot na damit pang-itaas, walang facemask, at face shield.

Kasunod nito, akmang lalapitan ng DMFB Bike Patrol Team sa pangunguna ni P/Cpl. Tobiagon pero bigla umanong bumunot ng baril ang suspek at itinutok sa mga pulis.

Dito umano napilitang paputukan ng pulisya ang suspek upang disarmahan.

Tinamaan ng bala sa katawan ang suspek na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa nabanggit na ospital. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *