Wednesday , December 25 2024

FDCP Chair Dino, deadma sa mga kumakalaban (Aktibidades sa #SineSandaanNext100, tambak)

SA halos apat na oras na pakikipagtalamitam ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Liza Diño Seguerra sa may halos 80 miyembro ng media sa pamamagitan ng Zoom, kay raming naibahagi nito sa pagtatapos ng ika-100 taon ng pelikulang Pilipino o #SineSandaanNext100.

Halos araw-araw, hanggang sa katapusan ng buwan ay sari-saring aktibidades ang hatid nito para na rin sa kapakanan ng mga taga-industriya ng pelikulang Pilipinong hangad pang madagdagan ang kaalaman sa sari-saring sangay nito. kaya’t kaliwa’t kanan ang master classes na madadaluhan kahit pa ng ordinaryong tao.

May platforms na libre. At mayroon ding may bayad o ambag.

Pinapupurihan ng marami ang walang kapagurang pagsisilbi ni Chair Liza sa posisyong iniatang sa kanyang balikat na kung ilang taon na rin niyang ginagampanan.

Tinanong ito kug paano niyang hinaharap ang mga kumakalaban sa kanyang mga ginagawa at hindi ito tinatanggap.

Para sa kanya, gagawin na lang niya kung ano ang dapat at mas pagtutuunan pa rin ng pansin ang kanyang mga tauhang binubuno ang bawat araw para sa pagpapalaganap sa magiging kapakanan ng takbo ng industriya.

Dahil marami ang mga tanong na inihain sa kanya, off-zoom ko na inusisa kung paano niya dinaraanan ang bawat araw at kung malaking bahagi ba nito ang pagyakap ng kanyang kabiyak na si Ice Suegerra sa Budhismo.

“Hindi pa naman ako fully into it. Pero sa nakikita ko sa asawa ko, maganda ang nangyayari sa kanya. ‘Am sure, na-explain na niya ‘yun sa ‘yo at nagtsitsikahan nama kayo about it. Ako, maraming natututuhan sa kanya. Kasi, ibang disiplina naman. Masaya siya. So, he makes us happy sa nakikita namin sa kanya.”

Walang patid ang pasasalamat ni Chair Liza sa mga nakipagkita sa kanya sa nasabing zoom meeting o presscon.

“Na-miss ko kayong lahat. At nagpapasalamat din ako na sa abot ng aming makakaya, nagagawa namin na makatulong din sa mga nangangailangan sa pagtulong din sa atin ng mga kinauukulan.”

Bago natapos ang usapan na nagsimula ng hapon at gabi natapos, ang wish ni Chair Liza ay mapirmahan na ni Presidente Rodrigo Duterte ang Bayanihan 2 Act.

At dininig ang kanyang hiling. Kinabukasan nga ay bumulaga na ang magandang balita!

“Just in time as the celebration of the Philippine Cinema Centennial comes to a close, the Bayanihan II or the Bayanihan to Recover As One Act is signed into Law. 

“Particularly, this will benefit the displaced film and audiovisual workers through financial aid and support systems. 

“We thank the President and our Congress for including our much affected sector as it recovers from the pandemic.

“The FDCP has already reached out to DOLE on the operationalization of this support and offered the agency’s assistance to help the sector.

“Happy birthday PHILIPPINE CINEMA!!!”

Para sa updates sa mga kaganapan sa pagsasara ng SineSandaan, lahat ay makikita sa website ng FDCP sa kanilang calendar of events. Kahit na karamihan ay magaganap virtually, hindi mawawala ang mga bongga pa ring pasabog na ihahatid nito! Lalo na sa pagtatapos sa isang daang taon. Para salubungin ang panibahong simula!

Akala niyo ba titigil na si Chair Liza kapag nakauwi na ito sa tahanan nila nina Ice at Amara at mga alaga?

“Mas mahirap din ang work at home. Kasi, tuloy-tuloy pa rin ang pagbabantay ko sa mga bagay that needs my attention. So, hindi rin kami nagpapahinga in most days. Haha! Kasi bukas ang mga computer.

“And gaya now, bakit ang galing mo! Nahulaan mo na ang ginagawa ko. Nagluluto muna ako.’ Am cooking bulalo!”

Walang kapaguran ang hindi pwedeng matinag na tagapangalaga ng Film Development Council of the Philippines.

Huwag  nga kayo! Tapatan muna ang mga ginagawa niya!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *