Wednesday , December 25 2024

Talak ni Joey Ayala laban sa ABS-CBN, binawi

SINO ba naman ang hindi magugulat sa panawagan ni Joey Ayala. Tinitingala siya sa larangan ng musika dahil sa mga musikang naiambag na niya sa industriya.

Pero ang salita niya sa Facebook“ABS-CBN mahiya naman kayo. Bakit niyo ginagamit ang kanta ko?”

At ibinahagi niya ang isang YouTube video ng kanyang awiting  Walang Hanggang Paalam.

Sa linggong ito na kasi magsisimula ang palabas na ang titulo ay Walang Hanggang Paalam na ihahatid ng Dreamscape Entertainment na magtatampok kina Angelica Panganiban, Paulo Avelino, Arci Muñoz, at Zanjoe Marudo kasama sina Cherrie Pie Picache at Jake Cuenca sa natatanging mga papel.

Sa teaser na totoo namang naging kaabang-abang ay napakalaki ng impact ng nasabing awit.

Ilang dekada na naming napakikinggan ang Walang Hanggang Paalam. Nang una nga itong umabot sa pandinig ko, sa panahong naaabot namin ang mga underground music  may nagsabi pa sa akin na awit daw ‘yun kapag may mga rebeldeng ikinakasal sa kabundukan. Napakaganda namang talaga ng liriko ng kanta na siya ngang theme song ngayon ng nasabing palabas. Na sabi rin, Burdado ang orihinal na titulo.

Anyway, sa panawagan ni Mang Joey, ipinarating ko naman sa mga kinauukulan, sa Dreamscape, pati na kay Roxy Liquigan ng Star Music ang “buga” ng musikero.

Dahil dumarami na rin ang sari-saring komento sa kanyang thread.

Dagdag pa ng musikero, “’Di pala uso ang downpayment no…dahil siguro mailap ang showbiz. many unstable variables – title, casting, di magkasundo sa tf palitan ang script, etc. kaya the less outlay, the better. kaya most artists, nasa dulo na ng bayaran. Itaga muna sa bato bago maglabas ng ayudah! that’s the reality of the process. ganyan talaga, natural.”

Sagot niya ‘yan sa isa pang musikera, si Bayang Barrios na pinasubalian naman ang reklamo niya. Ang sabi nito, “Ang alam ko careful ang ABS-CBN sa mga ganito Jo, kasi may project kami dapat ‘Tres Marias’ di pa na-push dahil ‘di namin nahagilap ang composer ng kanta. Naka-hold ‘yung project..”

Pero wala pang isang oras, binura na ni Mang Joey ang kanyang “buga.”

“I just posted (and deleted) that ABS-CBN was using my song without permission. MY MISTAKE. Sorry. Put it down to a senior moment – it’s easy to forget deals made long ago. Friend-to-friend kasi. Sorry for the heart attacks!”

Malamang na nasagot na siya ng kinauukulan dahil may mensahe rin si Mang Joey na itong Lunes eh, babayaran siya.

Kaya, hindi dapat kinakalimutan ang paalala ng marami na, “think before you click!” Para nga kasi itong apoy na parang sunog kung kumalat.

Ipinadala rin sa akin ng nakausap ni Mang Joey sa chatroom nila ang paghingi nito agad-agad ng dispensa o paumanhin. Na ang pagkakaroon niya ng senior moment ang salarin.

Basta ako, pagkatapos ng Ang Sa Iyo Ay  Akin, tututok talaga sa  Walang Hanggang Paalam!

Naghanap ng paalam, walang hanggang paghingi naman ng paumanhin ang naging katapat!

Kaya sa nangyari, may natutuhan dapat!

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *