Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rhea Tan, bucket list si Piolo Pascual (Most accomplished and respected artist in the industry)

NATUPAD na ang isa sa mga bucket list ng presidente at CEO ng Beautederm Corporation na si Rhea Anicoche-Tan. Ang maging endorser/ambassador ng kanyang produkto si Piolo Pascual.

Pag-amin ni Tan, ”Nasa bucketlist ko na si Piolo magmula noong sinimulan ko ang kompanya 2009. With hard work, careful planning, and prayers nagkatotoo na ang aking pangarap to have him as one of my ambassadors.” 

Kaya naman sa ikatlong quarter ng taon sa pamamagitan ng isang milestone, pormal nitong inilahad ang pagiging dagdag sa lumalaking pamilya at pinakabagong celebrity brand endorser ni Piolo.

“I have always admired his body of work as one of the most accomplished and respected artists in the industry,” sambit ni Tan. 

Bale ngayong taon din ipinagdiriwang ng Beautederm ang kanilang ika-11 anibersaryo bilang isa sa mga major key players ng beauty and wellness industry sa bansa. At ang pagkakasama ni Piolo bilang ambassador ng brand ay isa sa mga bigating sorpresa na inihanda ng kompanya para sa mga loyal customer, resellers, at distributors ngayong taon.

Hindi nga maitago ni Tan, na pinangaralan ng People Asia magazine sa prestihiyosong roster ng taunang Women of Style and Substance issue nito ngayong Setyembre, ang kasiyahan sa pagkakasamang ang award-winning actor sa kompanyang kanyang itinatag 11 years ago.

Ineendoso ni Piolo, na very active at healthy ang lifestyle, ang Beau Charcoal Soap mula sa Spruce & Dash men’s line ng brand, isang best-seller at paboritong produkto ng libo-libong consumers. Ito ay FDA notified at certified Superbrands bath soap ang Beau. Nagde-detoxify at nag-exfoliate ito habang nagbibigay ng clean, fresh, at delicious scent lalo na para sa mga abalang kalalakihan na laging on the go gaya ni Piolo.

“Longtime user ang kapatid kong babae ng Beautéderm products, marami na akong nabasa tungkol sa brand, at nakaririnig ako ng positive feedback tungkol sa brand mula sa aking mga kasamahan sa trabaho,” ani Pascual. ”Daily essential para sa akin ang Beau as it truly delivers its promises –relaxed, energized, atrejuvenated ako tuwing nag-shoshower ako after a long day.”

Nagpapasalamat din si Anicoche-Tan sa patuloy na support ng mga loyal Beautéderm users sa gitna ng pandemya. ”Patuloy kaming magiging faithful sa aming commitment na pagsilbihan ‘di lamang ang aming users kundi pati na rin ang aming resellers at distributors sa paged-develop ng mga produkto na mataas ang kalidad. We have partnered with Piolo dahil marami kaming similarities and chief among them is our unrelenting passion for excellence. Humbled kami na bahagi na siya ng aming pamilya.”

Si Piolo naman, na isa ring negosyante ay inspired sa business model ng Beautéderm. ”Nakatutuwang malaman na maraming tao kasama na ang kanilang mga pamilya ang natutulungan ng brand dahil sa business opportunities na naibibigay nito sa mga reseller at distributors sa buong bansa. Their sales force is one of the most hard-working teams I’ve ever seen and I am honored to be part of Beautéderm.” 

Para sa mga exciting na balita  at lahat ng mga hottest updates ukol sa Beautéderm at kay Piolo, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa BeautédermTV sa YouTube.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …