Wednesday , December 25 2024

Marian, awang-awa sa bunsong anak na si Ziggy

DAHIL anim na buwan na ang quarantine bunga ng Covid-19 pandemic, tinanong namin si Marian Rivera (via our latest Zoom interview with GMA’s Primetime Queen) kung kumusta sila ng mister niyang si Dingdong Dantes na lagi silang magkasama sa bahay.

“Okay kaming dalawa, never kaming nag-away, lambingan nga kami araw-araw.

 

“Pero, may space pa rin siya at may space rin ako. Ito ang time na nagkaroon kami ng quality time together at masasabi kong itong pandemic, mas naramdaman naming solid kami as a family.

“Thankful ako na naging mas matibay ang pagmamahalan namin at na-realize namin na compatible na compatible kami. Ang downside lang, walang trabaho at hindi pa nga ako matutuloy sa ‘My First Yaya.’”

Tulad ng napabalita na, hindi na gagawin ni Marian ang nabanggit na GMA show with Gabby Concepcion due to health and safety protocols ng kanyang mga anak na sina Zia at Ziggy.

“Ang mahalaga, naintindihan ako at nakapagpaalam kay Gabby at diretso kong sinabi ang rason ko. Thankful din ako sa GMA na lagi nila akong iniintindi at sa pagmamahal nila sa akin,” sinabi pa ni Marian.

Hindi man tuloy ang My First Yaya, tuloy ang Tadhana show ni Marian sa GMA, sa bahay ang taping niya for the show at ang mister niyang si Dingdong ang direktor.

At tulad ng halos lahat ng naapektuhan ng kasalukuyang pandemya, nakararanas din si Marian ng anxiety at paranoia, lalo na kapag lumalabas ng bahay.

“Kailangang may face mask, may face shield, may gloves, may alcohol.

“Kulang na nga lang uminom ako ng alcohol. Kung may ibebenta ngang alcohol na puwedeng inumin, bibili ako at iinumin ko!

“Pag-uwi, diretso ligo agad!”

Hana shampoo ba ang ginagamit niya kapag maliligo?

“Naman,” ang tumatawang sagot ni Marian.

Seryosong pagpapatuloy pa ni Marian, “Hindi lang naman para sa akin ang pag-iingat ko, para rin sa pamilya ko at mga mahal sa buhay. Kaya ipagdasal natin na matapos na ito para hindi na tayo paranoid tuwing lalabas ng bahay,” sabi pa ni Marian.

Naaawa nga si Marian sa anak na si Ziggy dahil mula nang ipanganak ito, hindi pa nakalalabas ng bahay, hanggang sa garden lang nila. Ni hindi nila maipasyal at ni hindi pa nila nadadala kahit sa park ng village nila.

“Hindi siya nakakatakbo sa damuhan, hindi nakakasakay sa swing, walang ibang nakikitang tao, kundi kami lang.

“Hindi pa namin siya naisama sa travel, kaya tuloy-tuloy tayong magdasal na matapos na ito para rin makapagtrabaho na ang mga tao,” dagdag pa ni Marian.

Samantala, naikuwento rin ni Marian na nag-enroll siya ng online class pero hindi muna niya sinabi kung ano ito. Balak din niyang mag-enroll ng cooking (hindi lang baking) sa sikat na chef/food expert na si Heny Sison para madagdagan ang mga pagkain na kaya niyang lutuin at ihanda sa pamilya niya.

Nakausap namin si Marian via Zoom nitong Sabado and that day ay hindi pa nakauuwi sa bahay nila si Dingdong dahil katatapos lang ng taping nito ng Descendants of the Sun at kasalukuyang naka-quarantine.

Ngayong Martes ay maaari nang makauwi si Dingdong sa kanilang bahay upang makapiling na ang kanyang mag-iinang Marian, Zia at Ziggy.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *