Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Failon at DJ Chacha, mapakikinggan na sa Radyo5

ISANG four-hour morning news magazine program ang sisimulan ng veteran broadcaster na si Ted Failon sa Radyo 5, ang leading FM news station sa bansa, sa ilalim ng TV5 media banner.

Excited na si Failon na simulan ang pagbabalik-radyo niya na makakasama si Czarina Marie Guevara, o mas kilala bilang si DJ ChaCha, na long-time radio partner niya rin sa Failon Ngayon sa ABS-CBN’s AM radio outfit na  DZMM.

“We are excited to deliver a paradigm shift on FM Radio. And we are thankful that Radyo 5 will give us the opportunity to serve the people with this one-of-a- kind format,” sambit ni Failon nang pumirma ng kontrata sa TV5.

“Maraming, maraming salamat po sa Radyo 5 sa pagkakataon na ito. At sa lahat ng aming mga tagapakinig, mas gaganda ang inyong umaga dahil malapit nang mabago ang tunog ng FM Radio!,” giit pa ng beteranong news anchor.

Tatlumpung taon nang naghahatid ng balita si Ted kaya naman kabi-kabila na rin ang pagkilala sa kanya bilang Best AM Radio Announcer at Best TV News Anchor. Tatlong beses na siyang itinanghal bilang Hall of Fame awardee sa Anak TV at ComGuild Center for Journalism, samantalang ang kanyang Failon Ngayon ay bukod-tanging Catholic Mass Media Awards Hall of Fame awardee for Best News Commentary. Ginawaran na rin siya ng prestihiyosong Ka Doroy Broadcaster of the Year ng Kapisanan ng mga Brodkaster Sa Pilipinas.

Kinikilala naman si DJ Chacha bilang Queen ng FM Radio dahil sa kanyang makulay na 12 taong career bilang top DJ at social media influencer.

Kaya naman kapag pinagsama sina Ted at DJ Chacha, talaga namang unbeatable.

Kamakailan, inihayag din ni News5 chief Luchi Cruz-Valdes ang paglipat ni Failon sa Kapatid network mula ABS-CBN.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …