Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelika Santiago at Elijah Alejo, naging BFF dahil sa Prima Donnas

AMINADO ang magandang Kapuso teen actress na si Angelika Santiago na satisfied siya sa takbo ng kanyang showbiz career.

Ang 17 year old na dalagita na nasa pangangalaga ng Triple A Incorporated na pinamumunuan ni Rams David ay napapanood sa top rating GMA-7 TV series na Prima Donnas, bilang si Jewel.

“Happy naman po ako na nagkaroon po ako ng mga kasama na matatagal na sa showbiz and kahit baguhan pa lang po ako ay nakasasabay na po ako sa kanila,” pahayag ni Angelika.

Bata pa lang ba ay hilig na niya ang pag-aartista?

Tugon ni Angelika, “Well, masasabi ko po na mahilig po talaga ako sa arts. Before po ako nag-artista, mahilig po akong mag-video and mag-direk po ng mga film sa school namin.”

Nagsimula ang kanyang journey sa mundo ng showbiz nang nakita siya ni AiAi delas Alas, na kanilang family friend. ”Nag-start po ako noong time na nakita po ako ni Mommy AiAi delas Alas. Galing po sila sa meeting ni papa and tinanong po ako kung gusto ko raw pong mag-artista. Pumayag naman po ‘yung parents ko, ‘tsaka po ako, kasi gusto ko rin po talagang maranasan ang pagiging artista,” aniya.

Para mahasa pa ang angking talento, si Jelay (nickname ni Angelika) ay sumabak sa acting workshops. “Nag-start po ako kay Sir Ogie Diaz for one year din po and after po niyon ay nag-try din po ako sa kaibigan po ni mommy Ai Ai na direktor po. Then, nag-Star Magic po ako for two years din po.

“Tapos po, nag-break lang, then sumabak na naman po kay Mommy Anne Villegas and ito po, ‘yung last ko ngayon ay kay Mommy Gladys Reyes po. Hanggang now po nagwo-workshop pa rin po ako, pero naka-break nga lang po dahil may school. Pero pinag-iisipan po namin na mag-try po sa PETA Theater.”

Si Jelay ay nakalabas na sa TV shows na MaynilaUniforme, at sa pelikulang OFW, the Movie na tinampukan ni Ms. Sylvia Sanchez.

Kuwento ni Angelika, “Ngayon po nasa Prima Donnas ako and ako po si Jewel doon, ang kaibigan ni Brianna (Elijah Alejo). Si Jewel po ay kakaibang character, kasi may pagkabaliw po siya and super slow sa mga nangyayari. Gusto ko po ‘yung character niya, kontrabida po ako rito.”

Bukod sa break na naibigay sa kanya ng Prima Donnas, isa sa magandang dulot nito ay nang naging BFF niya si Elijah Alejo, na kasama niyang kontrabida sa naturang GMA-7 TV series.

Ipinahayag ni Angelika na isang tunay na kaibigan si Elijah.

Aniya, “Yes po, BFF ko po si Elijah, naging close po kami dahil sa Prima Donnas and ang masasabi ko po sa kanya, isa pong mabait at totoong kaibigan si Elijah.

“Sa kanya po ako lumalapit lagi kapag nahihirapan po ako minsan sa mga scenes and super matulungin po siyang tao.”

Sina Jillian Ward (Mayi), Sofia Pablo (Lenlen), at Althea Ablan (Ella) ang madalas nilang inaapi sa Prima Donnas.

Mahirap bang maging kontrabida?

Esplika ni Angelika, “Sa totoo lang po, mas okay po sa akin ‘yung kontrabida na role. Kasi, growing up po sa former school ko, ‘yun po talaga ‘yung role ko lagi sa mga films namin sa school.”

Wika pa niya, “Gusto ko pong maging mataray in camera po, kasi parang nag-a-add po siya ng tension kapag nagse-scene po ako, kasama ang mga kaibigan ko po. And nakatutulong po iyon para lalo naming magampanan nang maayos ang character po namin.”

Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career? ”Wish ko lang po is more projects to come and bigger roles po. Kahit naman po small roles, okay lang po sa akin basta po may projects,” sambit ni Angelika.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …