Sunday , November 24 2024

‘Ambush me’ ba ito, Mayor Arvin Salonga?

NAPABALITA nitong Martes, 8 Setyembre 2020, ang pagtatangka umano sa buhay ni San Antonio town mayor Arvin Salonga ng Nueva Ecija sa bayan ng Jaen dakong 8:30 am.

Base sa ulat ng pulisya na nalathala rin sa mga pahayagan, inambus ng apat na suspek, lulan ng mga motorsiklo,  at walang habas na pinaputukan ang sasakyan ni Mayor Salonga — isang itim na Toyota Land Cruiser, may plakang ZTU-515 — nang siya ay tumatawid sa isang tulay sa Jaen, malapit sa checkpoint ng mga pulis.

Sa kabutihang palad umano, hindi nasaktan si Mayor Salonga na siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan, ngunit sugatan ang kanyang kasamang bodyguard na si Danny Camelo, 53 anyos.

Tumakas ang mga suspek patungong San Leonardo, ang bayang tinubuan ang alkalde.

Pero marami ang nagtataka sa detalye ng insidente na maaring ‘di binanggit ni Mayor Salonga sa mga pulis. Kaya siguro naging ‘katawa-tawa’ ang insidente para sa mga opisyal ng probinsiya.

Sa affidavit kasi ni Salonga, sinabi niya nakita niya ang apat na suspek bago namutok sa kanyang sasakyan. Isa sa mga suspek, nakaposisyon sa kaliwang bahagi ng kalsada ang unang pumutok bago sinundan ng mga kasama niya, ang isa ay armado ng mataas na kalibre at mahabang baril.

Ang tanong: “Kung talagang tatambangan siya, bakit magdadala ng mahabang armas ang mga suspek na pihadong makatatawag ng atensiyon sa mga makakikita at sa mga pulis sa malapit na checkpoint?

Dahil sa deskripsiyon ni mayor sa mga kasuotan ng mga suspek, pihadong mapapansin sila ng mga pulis sa checkpoint kung bakit may dalang mahabang armas ang isa sa kanila, pihadong huli agad ang mga ‘yun.

Bukod sa hindi siya tinamaan sa ambush, sinabi ni mayor sa mga lokal na mamamahayag na nakipagpalitan siya ng putok at tinamaan pa niya sa dibdib ang isa sa mga suspek na hindi naman nakita o nahuli ng mga CCTV camera sa lugar.

Gusto ‘atang palabasin ni Mayor na tila eksena sa teleseryeng ‘Probinsyano’ ang nangyari. Pero parang komedya ito, Mayor. Kasi kung nakita niya ang mga suspek at nakipagpalitan pa ng putok, bakit sa mga kuha sa CCTV footage ay humaharurot ang sasakyan ni mayor patakas?

Puwede kayang kakilala ni Mayor ang mga suspek?

Sa totoo lang, ‘di lumalakad si Mayor Salonga mag-isa o isang bodyguard lang ang kasama. ‘Di bababa sa 10 ang laging kasama na naka-convoy sa kanyang sasakyan.

Pangalawa, ang sasakyan ni mayor ay bulletproof, hindi ito tinatagusan ng bala ‘di gaya ng gamit niyang sasakyan nang mangyari ang insidente na parang lumalabas na ‘ambush me?’

Ang sinasabi niyang suspek na tinamaan niya sa dibdib ay parang bulang naglaho at maging ang pulisya ay hinahanap ang eksenang iyon sa mga CCTV.

Kaya halos lahat ng mga tagaroon ay sinasabing hindi kapani-paniwala ang kuwento ni Mayor Salonga.

Pangatlo, ang mga suspek nga raw ay tumakas patungong San Leonardo. E ‘di ba nga, doon galing  si Mayor? At bakit napaumaga ang pag-uwi, ‘yan ‘na-ambush’ ka pa tuloy pagtawid ng tulay sa Jaen.

Anoman ang gusto ninyong palabasin dito, eksena man sa ‘Probinsyano’ na halatang ‘scripted’ at malasado ang pagdidirek, palpak ang resulta. Imbes maging aksiyon ang kuwento o palabas, parang naging katawa-tawa o comedy na ‘Probinsyano.’

Sa bagay, si mayor na ang nagsabi, walang bahid politika ang insidente dahil napanalunan niya ang nagdaang halalan nang walang katunggali. Sino ang puwedeng magtangka sa buhay niya kung ganoon?

Ano ang tawag sa nangyari? ‘Ambush me’ ba ito, Mayor?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *