IBANG talaga si Senator Manny Pacquiao! Aba eh, sinagot niya ang gastos para sa 13 TV Channels para magamit ng Department of Education (DepEd) ngayong darating na pasukan.
Ani Pacman, hindi niya matiis na mapag-iwanan sa aralin ang mga estudyanteng mahihirap at nasa malalayong lugar na hindi kayang bumili ng mga laptop at gadgets para sa online learning.
“Galing ako sa hirap kaya alam ko ang nararamdaman ng mga mag-aaral at mga magulang nila,” giit ni Pacquiao. ”Alam ko rin na hindi pa 100% coverage ‘yang internet natin sa Pilipinas, kaya kahit may pambili ka ng laptop o gadget, hindi ka pa rin nakatitiyak na aabot sa iyo ang mga aralin buhat sa DepEd.”
Sinabi pa ni Pacquaio na,”Sa tulong ng mga nasa industriya ng telecommunications, nagawan namin ng paraan para may magamit na 13 TV Channels ang DepEd ng walang gastos para sa gobyerno at mga estudyante.
“Kaya wala ng dahilan para hindi matuloy ang pag-aaral ng mga bata ngayong darating na pasukan. Kung saan ako muntik nang magkulang, maaga kong pupunuan. Dahil napaka-halaga ng pag-aaral para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio