BULAG o nagbubulag-bulagan itong Philippine Consul General sa Sydney Australia na si Ezzedin Tago, ito ay dahil sa kaso ni Inocencio “Coy” Garcia.
Nahatulan si Garcia ng 14-buwang pagkabilanggo nang walang piyansa o parole sa mga kasong unlawful/broadcast/publication of child’s name ng Mt. Druitt Local Court sa bansang Sydney, Australia.
Mantakin n’yo, maraming beses na humingi ng tulong si Garcia sa Philippine Consulate at sa araw ng promulgation ni Garcia, dumating si Maybel Marinay Caprino, umano’y representative ng Philippine Consulate na walang ginawa kundi panoorin lamang ang ginawang hatol kay Garcia.
Nakalulungkot isipin, ang kababayan nating Pinoy na si Garcia ay pinabayaan ng ating Philippine Consulate na kapwa Filipino ay naging BULAG at BINGI sa kasong kinasangkutan ni Garcia.
Tayong mga Pinoy malaki ang ating responsibilid sa ating mga anak. Ang mga Pinoy kakapit sa patalim, mabigyan lang ng pag-aaruga ang mga anak. Menor de edad pa ang mga anak ni Garcia at hindi pinabayaan. Anong batas meron ang Sydney, Australia na hindi inisip na ang mga anak gaya ng magulang ay nagsa-suffer? Hindi kaya ipinaampon na ang mga anak ni Garcia sa iba? Masakit, napakasakit… Sana nagkaroon muna ng imbestigasyon bago sapilitang kinuha ang mga anak ni Garcia.
Iladlad ang complaint kung tunay na pinabayaan. Kidnap na walang ransom kapalit ay parusa sa amang si Garcia.
Nanawagan ang pamilya ni Garcia kay Pangulong Rodrigo Duterte, nagmamakawa na tulungan natin ang Pinoy na si garcia!
Sa Philippine Embassy sa Australia, kumilos kayo. Sa Philippine consulate… wala kayong silbi!
Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata