Monday , December 23 2024

Isang school year dapat isakripisyo ng DepEd para sa mga estudyante

HINDI lang mga commercial businesses ang nagsara ngayong panahon ng pandemyang CoVid-19.

Marami rin sa hanay ng mga pribadong paaralan ang nagsara. At ayon sa tala ng Department of Education (DepEd) umabot lahat ‘yan sa halos 700 private schools.

Karamihan daw po sa 700 private schools na ‘yan ay maliliiit na private schools. Sa tala ng DepEd, mayroong 14,000 private schools sa buong bansa.

Kung tutuusin maliit na bahagdan ang 700 sa 14,000 private schools.

Pero hindi naman porsiyentohan lang ang pinag-uusapan dito.

Ang isyu rito ay ‘yung mga mag-aaral na maaapektohan ng nasabing pagsasara.

Karamihan kasi sa mga nagpaplanong magsara ay mga eskuwelahan sa probinsiya.

Kung dati ay maliit na ang kanilang enrolment, e ‘di lalo na ngayong  panahon ng pandemya na maraming magulang ang nawalan ng trabaho. Dito man sa loob ng bansa o overseas Filipino workers (OFWs).

At dahil nawalan ng trabaho, marami sa kanila ang nagdesisyon na huwag munang i-enrol ang mga anak nila.

Mayroong ilang rason kung bakit. Una, puwedeng nawalan ng trabaho ang magulang dahil sa pandemya; ikalawa, dahil nanghihinayang sila sa tuition fee na ibabayad gayong limitado ang serbisyong maipagkakaloob ng paaralan; at ikatlo, hindi kayang umangkop sa blended distant learning na sistema ngayon ng pag-aaral.

Hindi kayang umangkop dahil sa kalagayang pinansiyal, pisikal, o kaya ay dahil sa topograpiyang kinaiiralan kung saan nakatira ang mga estudyante.

Palagay nga natin ‘e Batanes lang ang makapaglulunsad ng face-to-face learning dahil sa nasabing lalawigan lang walang CoVid-19.

Pero ‘yung sinasabing pagsisimula ng blended distant learning sa 24 Oktubre ay marami pa rin agam-agam ang mga magulang.

Ilang mayroong kakayahang gumastos ang nai-set-up na ng study table with complete desktop accessories ang kanilang mga anak. ‘Yung iba naman ay laptop, ang iba ay may tablet. Ilan sa kanila ay may sariling internet connection sa bahay, ang iba ay pocket wi-fi. Mayroong aasa sa data, habang ang iba ay hindi pa alam kung paano lalahok sa blended distant learning na ito dahil wala silang access sa internet.

Ilang araw na lang, 24 Oktubre…

Ngayon pa lang ay nakikita na nating marami ang hindi makaagapay sa itinatakdang pamamaraan ng pag-aaral ngayong may pandemya. Paano pa kaya sa aktuwal?

Sana’y magkaroon ng permanenteng resolusyon ang DepEd kung paano bibigyan ng konsiderasyon ang mga estudyanteng hindi makapag-aaral ngayon. Kung hirap na sila noong normal ang sitwasyon, ‘e di lalo pa ngayong may pandemya.

Puwede sigurong mag-moratorium ang DepEd para lagpasan ang senior high school ng mga estudyanteng apektado ngayon nang sa gayon ay huwag naman silang masyadong makulelat sa pag-aaral.

Totoong ang pagkatuto ay hindi naipupundar sa pagpasok lang sa isang silid-aralan na may apat na sulok, pero sabi nga mayroong bureaucratic requirements ang isang pamahalaan na kailangan sundan upang magkaroon ng katibayan ang pag-aaral o kung anong antas ang naabot sa pag-aaral.

At kung ang burukratikong rekesitos na ito ang makababalam sa pag-aaral ng mga bata at kabataang naapektohan ng pandemya, palagay natin ‘e wala namang lalabaging batas kung ang DepEd ay maghahain ng resolusyon sa Kongreso para pansamantalang pigilin ang pagpapatupad ng senior high school na makatutulong para mabilis na makaagapay sa panahon.

Isang makabuluhang konsiderasyon po ‘yan, DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones.

Sana po’y mapag-aralan ninyo.

Tiyak na maraming magulang ang magpapasalamat sa inyo.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *