Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Louie, bilib sa husay at professionalism nina Ken Chan at Rita Daniela

NAGING click nang husto sa madla ang tambalan nina Ken Chan at Rita Daniela sa GMA-7 TV series na One of The Baes. Sinubaybayan ito ng marami at pinakilig nila ang fans dito.

Kaya naman hindi kami nagtaka nang nalaman namin na may movie na rin ang tandem nina Ken at Rita. Pinamagatang My First and Always, ito’y mula sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio, story ni Ferdie Lapuz, at prodyus ng Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista.

Natapos na ang naturang pelikula na kinunan sa Pagsanjan, Laguna sa gitna ng Covid-19 pandemic. Ipinahayag ni Direk Louie na sinunod nila ang safety protocols at guidelines para sa smooth na shooting.

Ganito rin ang naging pahayag ni Ken sa kanyang Instagram account:

Maraming proseso ang pinagdaanan para sa pelikula namin ang “My First and Always”.Dumaan sa SWAB test ang lahat ng aming cast & crew. Sa bawat shooting days naman may mga nakabantay na DOH at IATF para sa kaligtasan ng lahat.
 
Sobrang blessed kami dahil sa Heaven’s Best Entertainment @hbeproduction Sa kalagitnaan ng pandemya ay nakagawa kami ng isang kalidad na pelikula. Sa aming mga boss Ms. @harlenebau , Sir @hero_clarence_bautista and Sir @herbertbautista maraming-maraming salamat sa oportunidad at tiwala na binigay niyo sa aming lahat. Maraming po kayong natulungan at nabigyan ng pag-asa dito sa ating industriya.
 
Sa aming direktor na si Direk @direklouieignacio , ang “mood setter” ng buong grupo! hehe Maraming salamat sa kabutihan ng puso mo. Sa pag-aalaga mo sa amin ni Rita at sa buong production. Hangang-hanga ang lahat sa kahusayan mo Direk. Mahal ka naming lahat!
 
Sa mga nakasama ko sa pelikula mula sa mga Aktor hanggang sa Utility, Catering, Art Department, Makeup Artist, Stylist(Ashley Escarial Capoquian), Production Designer(Jay Custodio), DOP(Kuya Carlo Montaño Jr.), Cam Opt.(Abijah Bautista), Writers(Rish Mangubat – Lunasco, Acy Ramos, Ferdy Lapuz), Assistant Director(Rosswil Hilario), Line Producer(Dennis C. Evangelista). Sa aking personal Makeup Artist Nanay @only_pomposa , Juancho Gabriel at sa aking tagapangalaga hehe kay Kuya Arman SeDukis Morales miss ko na kayong lahat! Sobrang salamat sa kasipagan at dedikasyon para sa pelikula nating lahat!

To my @gmanetwork family and @artistcenter family, my Managers Sir @simounferrer & Tita @tracymgarcia , to my handler Kuya @edzdelacruz09 love you all! Kahit malayo kami lagi kayong nandyan para sa amin. To Sir @joeyabacan thank you sa help mo po para sa pelikulang ito ☺

At sa aking “Choy” @missritadaniela, isa lang masasabi ko, napakahusay mong aktres! Salamat din sa pagaalaga mo sa akin ah…mahal kita alam mo yan!

Excited na kaming lahat na mapanood ninyo itong pelikulang aming pinaghirapan ang…

MY FIRST AND ALWAYS (Luis ❤ Luisa)

Soon!

Isa naman sa napansin namin ay ang papuring ibinigay ni Direk Louie kay Ken sa kanyang FB post, habang nasa Pagsajan Falls ang Kapuso actor at BeauteDerm endorser.

Post ni Direk Louie: Ang napakahusay at mabait na aktor na si Ken Steven Chan 

Sinagot naman ito ni Ken nang: Mahal kita Direk Louie Ignacio!!! Hindi namin magagawa ang pelikulang ito kung hindi dahil sayo. Namiss naman kita kaagad Direk! 🤗
 
Na-sesepanx ako Direk. Napakagaan kasi ng shooting natin at ang saya-saya lang natin araw-araw.
 
Ikaw ang mood setter ng buong grupo! Maraming salamat sayo aming Direktor ♥️
Huling hirit pa ni Direk Louie: Ken Steven Chan napadali ang trabaho ko as a director sa husay nyo ni Rita wala ako masasabi. Pati sa professionalism kaya kayo successful dalawa. Salamat sa napakasayang Shooting hindi sumakit ang ulo ko. 😂😂😂 ang saya ng kwentuhan at tawanan! 😊😅😂Ang sarap ng pakiramdam! Nakakamis! Love you Ken.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …