Monday , December 23 2024
shabu drug arrest

3 tulak, huli sa P3.4-M shabu sa QC

DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District – Novaliches Station (QCPD-PS 4) ang tatlong hinihinalang drug pusher na kumikilos sa lungsod makaraang makompiskahan ng P3.4 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation, kahapon.

 

Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, kinilala ang mga nadakip na sina Carlos Tuason, 43 anyos,  residente sa Pembo Dt., Barangay Rizal, Makati City;  Melvin Almario, 38 anyos, nakatira sa  Lot 9 Blk 61A Flora Ville St., Barangay Rizal, Makati City; at Cedric Samson, 41, Grab Driver, ng Blk 3 Lot 133 Juan Luna St., Makati City.

 

Ayon kay Novaliches Police Station commander P/Lt. Col. Hector Amancia, 8:00 am nadakip ang tatlo sa buy bust operation sa isang gasolinahan sa Quirino Highway, Barangay San Bartolome.

 

 

Binentahan ng tatlo ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng shabu na nagkakahalaga ng P70,000.

Nang magkaabutan, dinamba ng mga operatiba ang tatlong suspek.

 

Nang haluhugin ang dalang sasakyan na Toyota Vios may plakang NBV 2258 ng mga suspek, 22 pirasong plastic sachet na naglalaman ng shabu, may timbang na 500 gramo, nagkakahalaga ng P3.4. milyon ang nakuha.

 

Narekober sa tatlo ang 70 piraso ng P1,000 marked boodle money.

 

Nakapiit na ang mga suspek at nahaharap kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II of RA 9165. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *