Monday , December 23 2024

Yorme, umiiwas sa mass gathering

BAGO ninyo away-awayin si Yorme Isko Moreno dahil sa kanyang desisyong ipasara ang mga sementeryo sa Maynila mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3, na ginaya na rin ngayon ng Angeles City sa Pampanga at Cebu City, intindihin muna natin ang intensiyon ng pagbabawal.

Isang napakatandang tradisyon na ang paggunita sa mga yumao sa araw na iyan, na kung tawagin nga natin ay araw ng mga santo, kasunod naman ang araw ng mga kaluluwa. Iyan ay isa sa mga tradisyong dala sa atin ng pananampalatayang Katoliko, ibig sabihin umiiral na ngang kaugalian sa ating bansa sa loob ng 500 taon. Pero ngayon nga ay biglang hindi puwede iyon dahil ipinasasara ni Yorme ang mga sementeryo.

Iyang pagpapasara ng sementeryo ay pag-iwas sa gathering ng napakaraming tao. Kung titingnan ninyo, milyon ang bilang ng mga taong nagpupunta sa sementeryo, lalo na kung November 1. Sa panahong ito na pare-pareho tayong umiiwas sa pagkalat ng virus ng Covid19, talagang kailangan nga siguro ang ganyang mga desisyon. Maaari namang dumalaw sa mga yumao sa kahit na anong araw. Maaari na kayong magsimulang gunitain ang mga yumao kahit na ngayon pa lang.

Sa pananaw naman ng simbahan, mas mahalagang alalahanin sa pamamagitan ng panalangin ang mga yumao. Ang simbahan ay nagkakaloob din ng indulhensiya plenarya sa mga dadalaw at gugunita sa mga yumao, hindi lamang sa sementeryo kundi maging sa mga simbahan, at iyan ay maaari mula November 1 hanggang November 8. Kaya kung iisipin ninyo, wala namang problema kung isara man ang mga sementeryo sa mga araw na iyon.

Mas mahalaga ang kaligtasan ng mga nabubuhay kaysa pagdalaw lamang sa mga namatay na.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *