Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yasmien, excited makauwi after ng lock-in taping

MASAYA at proud na ipinasilip ni Yasmien Kurdi ang ilang behind-the-scene photos mula sa kanilang lock-in taping para sa bagong program ng Kapuso Network na I Can See You: The Promise.

Sa kanyang Instagram post, makikitang may suot siyang face shield, nagpasalamat si Yasmien sa maingat na pagtatapos ng kanilang lock-in taping.

“Done. THANK YOU, LORD! ayyiiieee uwian na, natapos din namin! pagkatapos ng ilang araw na #lockintaping for #ICanSeeYou #ThePromise. Congratulations Team “The Promise” Excited na ako mapanood n’yo ang gawa namin! #newnormal.”

Bukod kay Yasmien ay nag-post din ng photo ang co-star niyang si Benjamin Alves na matatanaw ang magandang lake house na roon sila nag-taping. Sa isa pang post ay ibinahagi rin ni Benjamin ang pangalan ng gagampanang katakter, “Jude Agoncillo… soon on #ICanSeeYou on GMA!”

Makakasama rin nina Yasmien at Benjamin sa The Promise sina Paolo Contis at Andrea Torres. Abangan ang pinakabagong offering ng GMA Drama team na I Can See You na mapapanood sa Telebabad block ngayong Setyembre sa GMA-7.

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …