Sunday , January 12 2025

Tuesday, nag-init ang ulo sa isyung tomboy

HAPPY na si Tuesday Vargas dahil nagkaroon siya ng pagkakataon para maging certified Plantita at sa pamamagitan ng kanyang Tues To Grow eh, nakapagbebenta at kumikita na siya sa mga inaalagaang halaman.

Pero, sa mundong ito nga, hindi lahat masaya na makita o mabalitaang may nilalang na gumaganda ang takbo ng buhay, lalo sa panahon ng pandemya.

Inintriga kasi si Tuesday sa kanyang pagbebenta at kung ano-ano pa ang inakusa sa kanya.

Pati nga ang pagluluto ay ginawa na rin niya. Bilang online seller, inaabala ni Tuesday ang sarili niya.

Pero ang latest na “buga” ni Tuesday sa Facebook eh, tungkol sa isang follower na ang tanong eh, ikinainit ng ulo at dugo niya.

Tinanong siya ng “tomboy ka ba?”

At ito naman ang sagot ng musikera.

“Bakit kailangan issue ‘yun?

“Kung OO ang sagot, magbabago ba ang pananaw ninyo sa akin? Kung HINDI naman ikatutuwa mo ba?

“Walang bigat ang sexual orientation ko sa kapasidad kong gumawa ng maayos na content. Yung ganitong pag iisip ay naiwan na sa lumang panahon. Kaya hanggang sa mga oras na ito ay puno ng hate at discrimination sa mga kapatid natin gawa ng mga simpleng banat na ganito na sa tunay ay napakalaki ng sinasabi.

“Ke tomboy, bakla, babae, lalaki o ‘di tiyak, lahat may puwang sa mundo. Utang na loob, huwag mo na panoorin ang channel ko kung talagang walang espasyo sa isip mo ang pagtanggap sa lahat kasi ayaw ko rin ng follower na ganyan.”

Hugot. May point naman siyang magalit. Lalo na sa mapanghusgang mga tao.

May good news din naman siya sa kabilang banda.

“I received some really wonderful news from Youtube! I have been accepted on the partner program and I am now eligible to monetize my content. At dahil dyan… May bago akong entry today:

“Click, like, share and subscribe.

“Maraming salamat sa inyong lahat na naniwala sa akin at ngayon ay nandito na tayo.”

Hanapin ang kanyang New Normal Artista (ETuesan Time) and more to  come. Na siya niyang naging content, nang sumalang na siya sa isang taping sa Cignal TV5. Ibinahagi ang buhay artista sa “new normal”.

Well-rounded personality na ngang maituturing si Tuesday. Napaka-artistic. Ang daming ginagawa. Na mahusay siya. Ipagmamalaki rin ang husay niya sa pagpipinta.

One-woman show o exhibit din ang aabangan pa sa kanya!

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *