Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gladys Guevarra, nagbuga ng hinaing: Wala kang mararating, wala kang kuwentang tao

BANTAY ako lagi sa mga chika ni beshie Gladys Guevarra sa kanyang Facebook account.

Kaya agad naming nalalaman ang mga bahong kaganapan sa buhay niya.

Gaya nitong kamakailan niyang ibinahagi na “buga.”

“Kakabigla noh? Parang mas maganda pa yata, namatay nalang, para pag tinanong nyo kong lahat isang paliwanagan nalang. 

“Kahit ako nabigla eh. Hindi ganun pagkakakilala nating lahat. Mas artista pa sa akin. Pinaabot mo pa ng isang taon. San man lang nung simula, sinabi mo na puchu puchu lang gusto mo, para d nako na-attached. 

“At syempre, not to mention, kasali nanaman sa story ang pera. Huy, may edad ka na. Ipakita mo nalang yung totoo mo sa lahat ng tao na naging kaibigan ka. Kase AKALA naming lahat mabuti kang tao eh. Ang di nila alam, Dysfuntuonal kang tao. 

“Ang gulo mo. Ang gulo mo kausap, ang gulo ng mundo mo, ang gulo ng mga desisyon mo, ang gulo ng character mo. Kaya no wonder, sa simula palang naghahanap ako ng sign na ginusto mo ba talaga ako? Minahal ba talaga? O wala ka na nga lang choice, kase para mabuhay. 

“Ang saklap lang na grabe yung pagkakatago mo dyan sa maskaramg suot mo. San nabibili yan? Ang galing mag tago ng tunay ha? Kaya safe ka sa covid, ang kapal ng mask mo eh. Biruin mo umabot ng isang taon bago na-reveal ang katotohanan mong kulay? Nakakaawa ka, kase sirang sira sa tao ang character ng mga ex mo at pati na rin ng ate mo ha? Imagine? Sariling mga kapatid mo pa yun. Ang sabi mo, mga walang kuwenta. But the truth of the matter is, ikaw ang walang bilang. Walang kuwentang tao. Hindi ko sasabihing masakit, kase ang masakit yung biglaan nga. Parang yung mga biglaang namamatay nga? 

“Ibalik mo lang kung anu ang mga dapat mo ibalik. Wala kong pakialam kahit kahit maglaboy ka sa basurang dati mo pang ginagalawan. Dahil nga wala kang saysay na tao. Ngayon lang ako nakakita ng taong, didikit lang sa tao kase may mapapakinabangan sya. Ng actual ha? Dati kase myth lang yun eh. Ikaw pala yung sa mga kuwentong barbero. Minahal kita pero, Wala kang silbi, wala kang laman, wala kang katuturan, at alam monsa sarili mo na hanggat ganyan ka. Wala kang mararating, dahil nga wala kang kuwentang tao.”

May hugot na kay lalim, ‘di ba. Kinumusta ko ang Reyna ng Kusina.

Ang payak na sagot, “Wala lang ‘yan mother. Hahaha!”

Parang minsan ng dinaanan. Naulit lang.

Nag-mensahe pa uli.

“Panoorin nyo lahat ng video ko sa youtube page ko na kasama ko sya. Tapos sabihin nyo sa kin ang observation nyo sa mga body language nya. Sige na please? Para malaman ko kung ako lang ba tong nakakakita o nakaramdam? . . . Basta, parang may mali eh.  Channel Chuchay”

Hindi na ako nagkomento. Watch na lang. Life has to go on and be lived. Move on na naman si Chuchay.

“Gudmurneng mga ‘Neng, Laban ako! . . . Si Covid nga di ako pinatigil sa buhay ko. Ikaw pa? Iyo na yan kung gusto mo. Tuloy ang buhay. #palitawqueen #youcanneverputagoodmandown #anakngputo Kala mo di ko kakayanin kung mawala ka??? Huh! Watch me!”

Ayan. May pagbabanta, huh!

Sumalang na rin siya sa #ChikaBeshng Cignal TV5. Matagal na ‘yun na-tape. Pero hindi na-touch ang lovelife niya kundi ang relationship at pag-aalaga niya sa four years old na French Bulldog niya na si Bhergher.

Iba’t ibang eksena ang mapapanood natin sa ating kapaligiran. A lot falls in love. Some fall out of love.

At nagpaplano pang lumipad pa-Amerika si Chuchay, ha. Nagtatanong na rin about the protocols. Magpapahinga na naman ba ang puso?

Luto o Puso?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …