Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoy at ilang Asian singers, nagsama-sama para sa Heal

BONGGANG-BONGGA naman talaga itong pagsasama-sama sa unang pagkakataon ng mga Pinoy singer at kilalang performers mula sa iba’t ibang bahagi ng Asia para sa isang collaboration.

Ang tinutukoy namin ay ang all female collaboration para sa kantang Heal na handog ng ABS-CBN Music International na ang mensahe ay  makapagbigay-inspirasyon na napakikinggan na ngayon sa lahat ng digital streaming platforms.

Ang mga female singer na kasama rito ay sina Jayda, Jona, Kyla, KZ Tandingan, Lesha, Moira dela Torre, at Xela. Samantalang ang mga Asian star naman ay sina Rinni Wulandari at Yura Yunita ng Indonesia, ang grupong DOLLA at si Shalma Eliana ng Malaysia, Haneri at Haven ng Singapore, at si Valentina Ploy ng Thailand.

Bale ito ang unang proyekto na pagsasamahan ng mga artist mula sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia tampok ang kanilang mga boses na layunin ding makapagbigay ng pagmamahal para sa paggaling, pagbangon, at pagkakaisa ng mga tao laban sa pandemya.

Ang awiting HEAL ay komposisyon nina Moophs, Alex Godinez aka Xela, at ng ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo na siya ring over-all producer.

Isa ring #StreamToDonate project ang kolaborasyon, dahil lahat ng mga nakibahaging mang-aawit ay piniling i-donate ang kanilang hati sa bayad at royalties para sa Pantawid ng Pag-ibig ng ABS-CBN, isang fund-raising campaign na hangaring maghatid ng tulong sa mga Filipinong nawalan ng mapagkakakitaan dahil sa Covid-19 pandemic.

Isa lang ang HEAL sa mga proyekto ng ABS-CBN Music International, na naglalayong maipakilala ang talento ng mga Filipino sa ibang bansa at kamakailan, naging tulay na rin sa pagdadala ng mga international talent at music sa Pilipinas.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …